Advertisers
MARIING nanindigan ang Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) na nabigo ang programa ng gobyerno at Department of Agrarian Reform (DAR) na Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) dahil hindi nito naipatupad ang tunay na repormang agraryo para sa mga walang lupang magsasaka.
Sa isang telephone interbyu sinabi KMP Chairperson Danilo Ramos hindi natugunan ng gobyerno at ng DAR ang tunay na pangangailangan ng mga magsasaka at ito ang pamamahagi ng lupang agrararyo para sa walang lupang magsasaka.
“Dapat ng ipatupad ang Genuine Agrarian Reform (GAB) at ibasura ang CARP” ani Ramos.
Ayon kay Ramos sa loob ng 33-taong ng programa ng CARP hindi nito natugunan ang tunay na problema ng agrarian reform bagkus napanatili lamang ng programa ang malalawak na lupain ng mga malalaking panginoong maylupa.
“Dapat ang CARP hindi na ipatupad at sa loob ng 33- years na pananatili nito hindi naging matagumpay ang programa” ani pa ni Ramos.
Kaugnay nito sinabi pa ng KMP na wala kailanman tunay na programa para sa reporma sa lupa, dahil nananatiling kontrolado ng malalaking panginoong maylupa ang mawawalawak na lupain.
Samantala kaugnay nito sinikap naman ng sumulat na makuha ang panig ng Department of Agrarian Reform (DAR) hinggil sa pahayag ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) subalit nabigo ang sumulat na makuha ang panig nito. (Boy Celario)