Advertisers

Advertisers

10 kilo shabu nakumpiska sa 4 tulak

0 276

Advertisers

Apat katao kabilang ang isang menor de edad ang kalaboso sa San Pedro City, Laguna nang mahulihan ng 10 kilo ng shabu sa buy-bust operation noong Biyernes.

Kinilala ang mga suspek na sina Ace Arciaga, 35; Shamewayne Darvin, 19; Benz Gonzales, 21; at isang menor de edad.

Ikinasa ang pag-aresto sa apat nang magbenta ang mga ito ng isang pakete ng shabu sa isang undercover agent sa South Fairway Homes, Barangay Landayan 9:45 ng gabi.



Nakuha sa mga suspek ang 10 kilo ng shabu na tinatayang may halaga na P68 milyon.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Magsasagawa naman ang mga awtoridad ng patuloy na imbestigasyon upang malaman ang pinagkukunan ng droga ng mga salarin.