Advertisers

Advertisers

Welcome 2022… Taya na sa lotto!

0 514

Advertisers

KAALINSABAY sa pagsalubong sa bagong taon 2022 ay higit ngayong pinaiigting ang panghihimok ni PHILIPPINE CHARITY SWEEPSTAKES OFFICE (PCSO) GENERAL MANAGER ROYINA GARMA sa publiko na magsipagtaya sa LOTTO para mapalaki ang malikom na pondong magagamit para sa mga pangkatulungan.

Aniya, kung marami ang mananaya sa LOTTO ay mas maraming matutulungan ang ahensiya…, may magiging MILYONARYO at marami naman ang maaasistehan tulad ng mga mahihirap na pasyente, pag-asiste tulad ng mga biktima ng bagyo at higit sa kinakaharap na COVID-19 PANDEMIC.

May minsang okasyon ang PCSO na naihayag ni GARMA na kahit sa mga mag-aaral ay hindi umano siya mahihiyang himukin ang mag-aaral na magsipagtaya sa LOTTO dahil ang pagtaya ay isang pamamaraan din bilang pantulong sa pangangailangan ng mga mamamayang dumadanas ng delubyo.



Nitong nakaraang Martes ay muling ibinigay ng PCSO ang MANDATORY CONTRIBUTIONS sa PHILIPPINE NATIONAL POLICE (PNP) ng P25,877,837.88; COMMISSION ON HIGHER EDUCATION (CHED) ng halagang P24,672.535.90; DANGEROUS DRUG BOARD (DDB) ng P9,608,217.20; NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION (NBI) ng P6,764,003.19 at ang PHILIPPINE SPORTS COMMISSION (PSC) na tumanggap ng P151,616.79.

Ipinunto ni GARMA na hinde mamimintina ng kanilang ahensiya ang kanilang financial commitments para sa iba’t ibang institusyon tulad ng MANDATORY CONTRIBUTIONS kung ang ahensiya ay makapagpapatuloy na makalikom ng mas higit na kita sa pamamagitan ng “LARONG MAY PUSO” tulad ng SMALL TOWN LOTTERY (STL), LOTTO, KENO at SCRATCH-IT TICKETS.



Sa isinagawang pagbibigay ng MANDATORY CONTRIBUTIONS ay hindi nakadalo si GARMA dahil may ginampanan pa ito na bahagi ng kaniyang tungkulin, kaya si PCSO ASSISTANT GENERAL MANAGER FOR CHARITY SECTOR JULIETA ASEO ang rumepresenta at hinihikayat nito ang publiko na ipagpatuloy ang pagtangkilik sa kanilang GAME PRODUCTS.

“Thank you for the continuous support and those who are not yet playing our games, I hope you will learn to gamble and do charity works,” pagpapahayag ni ASEO.



Gayunman, may mga bumabatikos.., bakit daw lagi na lamang PNP ang may pinakamalaking shares? Dapat daw, ang malaking porsiyentong kailangang mabigyan ay ang CHARITY HOSPITALS dahil ang sektor na ito ang kapos sa pinansiyal para sa kanilang pagpapagamot.

Mga ka-ARYA.., ipinupunto ng mga bumabatikos na hindi raw dapat bigyan ng malaking porsiyento ang PNP…, kase, hindi naman daw naipatitigil ng kapulisan ang mga ILLEGAL GAMBLING sa bansa.

Atin-atin na lang po muna mga ka-ARYA.., ibubulong ko sa inyo rito sa kolum ko.., e hindi papayag ang buong kapulisan na mawala ang ILLEGAL GAMBLING kasi malaking KADATUNGAN ang mawawala sa kanila at kung aasa sila sa “BALATO” ng PCSO ay hindi naman daw matitikman ng mga nasa baba.., gets nyo?

E hayaan natin kay GARMA ang pagresolba niyan tutal ay dating PNP rin ito bago siya naitalaga bilang PCSO CHIEF…, kung mahihikayat niya ang kooperasyon ng buong kapulisan o ipagkikibit-balikat na lamang niya kapag hindi tutugon ang buong kapuilsan?

***

Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext lamang sa 09085841303 para sa inyo pong mga panig.