Advertisers

Advertisers

Tuloy-tuloy na serbisyo ng BI, tiniyak

0 200

Advertisers

TULOY-TULOY lang ang serbisyo ng Bureau of Immigration (BI) sa mga manlalakbay dahil ayon kina BI Commissioner Jaime Morente at Atty. Carlos Capulong, BI acting port operations division (POD), hindi magkakaroon ng pagbawas ng work schedule sa mga tauhan nitong naka-deploy sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) at iba pang ports, sa gitna ng pagbulusok ng COVID-19 cases sa bansa.

“There will be no diminution in the duty days of our port personnel as we are duty-bound to ensure that all international travelers who enter and exit our borders get the most efficient and hassle-free immigration service from our officers,” ani Morente sa isang pahayag.

Inatasan na din nito si Capulong na panataliin ang kasalukuyang work scheme at schedule ng immigration personnel na naka-assign sa mga airports.



“In the past several weeks we have seen a steady increase in the volume of international passengers entering and exiting our airports, thus it would only be prudent to keep our current manpower to ensure smooth and seamless service to the traveling public,” ani Morente.

Binigyang-diin nito na kailangang ng mga BI port personnel na mahigpit na sundin ang mga prescribed health protocols at magsuot ng personal protective equipment (PPE) habang nasa duty upang maprotektahan ang kanilang sarili laban sa bagong Omicron variant na mabilis ngayong kumakalat sa Metro Manila at iba pang rehiyon ng bansa.



Ani Capulong, sa ilalim ng mga resolutions na ipinasa ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF), ang mga government personnel na may kinalaman sa border control operations gaya ng BI officers ay pinapayagang mag-operate nang full capacity.

Ibinunyag pa ni Capulong na ang BI ay kabibili lamang ng mga bagong PPE na kanilang ipinamahagi sa mga frontline officers nito sa airports at kailangan nilang suutin habang naka-duty bilang immigration officers at habang nagsasagawa ng ‘clearing’ ng special flights sa mga remote parking areas ng airports.



Bago nito ay inianunsyo din ng BI na magkakaroon ng sixty-percent on-site work capacity ang bureau mula January 3 hanggang 15 sa main building nito sa Intramuros, Manila at iba pang satellite, field at extension offices sa metropolis.

Ang hakbang na ito ng BI ay bilang pagtalima sa mga aprubadong rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) upang ilagay ang National Capital Region (NCR) sa Alert Level 3.

***

Maaring mag-text o tumawag sa 0917-5225128 para sa anumang reaksyon o impormasyon.