Advertisers
Ni WALLY PERALTA
ISA sa mga celebritiy couple ang hindi halos napapabalitang nag-aaway ay ang mag-asawang Heart Evangelista at Gov. Chiz Escudero.
Halos happy moments ang mga pino-post nilang mag-asawa sa kanilang social media account. Walang paramdam na may gap. Kaya nga sa isang Q&A episode ng blog ng mag-asawa ay may isang curious na follower nina Heart at Chiz ang nagtanong kung marunong ba raw silang mag-away na mag-asawa as in nag-aaway rin ba daw ang dalawa?
“Of course, we do. Para pag nagbati, may gigil,” say ni Chiz.
Bagama’t inamin na may mga bagay din hindi sila napagkakasunduan na mag-asawa hindi rin daw naman ito madalas. Mga petty quarrels lang tulad din ng ibang ordinaryong couples.
“Pag hindi na kayo nag-aaway, ibig sabihin wala ng pagmamahal. Kung di mo na inaaway, wala ka ng pakialam,” say pa ni Chiz.
Sulit para kay Heart ang matagal na hindi niya paggawa ng serye, naging super hit sa televiewers ang kanyang “I Left My Heart In Sorsogon” kasama sina Richard Yap at Paolo Contis.
***
SABI nga pag may kaba, mas exciting lalo na sa magsyotang mahilig sa mga thrilling na sitwasyon, tulad na lang ng pakikipag-sex sa mga tagong lugar o desserted places.
Sa bagong movie na ginagawa ni Cindy Miranda ang “Reroute” kasama sina John Arcilla, Nathalie Hart at Sid Lucero na isang suspense thriller ay may eksena si Cindy na nakikipaglampungan siya kay Sid sa loob ng isang sasakyan na nakaparada sa isang hindi mataong lugar.
Sa totoong buhay, naranasan na kaya ni Cindy ang bagay na ito?
“Yes, we did it kasi akala namin walang tao, deserted place siya, pero biglang may lumabas na tao in the middle of nowhere. In real life, I have friends who tried that at nahuli sila, nakakahiya. Ako, I’d never do that,” say ni Cindy.
Paano naman kaya lumaban nang sabayan sa aktingan si Cindy sa mga award winning actor na kasama niya sa “ReRoute” tulad nina John at Sid?
“It was kinda intimidated and I keep on asking myself kung puede ba akong makipagsabayan sa kanila, pati kay Nathalie Hart na magaling ding artista. I really took my craft seriously at ginalingan ko nang husto.
“It helps na ang ganda talaga ng kuwento at ng script. I was very fluid with my emotions kasi puro magagaling nga ang kasama ko.
“When we were shooting this, I felt that this is my best movie yet. Iba ang intensity nito sa usual drama kasi puro mahuhusay ang kaeksena ko at sobrang dalang-dala ako ng emotions ko rito. I cannot wait to watch it as I have a feeling it’s going to be a great movie,” say pa rin ni Cindy.