Advertisers

Advertisers

MATULA, nanawagan sa DOLE na isama ang mga lider-manggagawa sa konsultasyon

0 757

Advertisers

NAPAPANAHON ang plano ng Department of Labor and Employment (DOLE) na maglunsad ng talakayan at konsultasyon kaugnay sa kalagayan ng mga manggagawa ngayong isinailalim ang National Capital Region (NCR) at iba.

Ngunit higit na mainam at makabuluhan kung isasama ni DOLE Secretary Sylvestre Bello III ang mga lider-manggagawa.

Ayon sa pangulo ng Federation of Free Workers (FFW) na si Atty. Jose Sonny Matula, kailangang mapag-usapang mabuti ang mabilis na pamamahagi ng ayuda sa mga manggagawa, full operation ng occupational safety and health committees na mayroong aktibong partisipasyon ang unyon o kinatawan ng mga manggagawa at tiyaking ang libreng PCR – test.



Si Matula ay tagapangulo rin ng NAGKAISA Labor Coalition, ang pinakamalaking alyansa ng pederasyon at unyon ng mga manggagawa sa bansa.

Si Matula ay tumatakbong senador sa tiket ni Bise-Presidente Maria Leonor Robredo.



Umaasa si Matula na kakatigan at aaprubahan ni Bello ang kanyang panawagan dahil walang makikinabang sa kanyang mga binanggit, kundi ang mga manggagawa sa NCR at iba pa.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">