PNP CHECKPOINTS, DAAN LANG PARA HIGPITAN ANG MOBILITY NG MGA HINDI BAKUNADO AYON SA DILG USEC MALAYA
Advertisers
Humingi ng pang-unawa ang Department of the Interior and Local Government (DILG) sa publiko na naabala sa mga inilatag na checkpoints ng Philippine National Police o PNP.
Paliwanag ni DILG Undersecretary at Spokesperson Jonathan Malaya, wala umanong dapat ikabahala ang publiko dahil sinadyang inilagay ang checkpoints sa mga lugar na nasa ilalim ng Alert Level 3 para higpitan ang restriction sa mobility ng mga unvaccinated na katao.
Ginagawa aniya ito para sa kapakanan at kaligtasan ng lahat.
Kahilingan din aniya ito ng business leaders, medical leaders at ibang grupo dahil sa mabilis na pagsipa ng kaso ng COVID-19.
Gumagawa na aniya ng adjustment ang PNP upang maiwasan ang nangyayaring pagsisikip ng daloy ng trapiko sa mga checkpoint area.
Pinapayuhan ni Malaya ang mga motorista o mga manlalakbay na bitbitin palagi ang kanilang vaccination card upang iwas abala sakaling papasok sila sa mga mall, mga pampublikong lugar at pampublikong sakayan.
***
Samantala inatasan na rin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga opisyal ng barangay na huwag hayaang makalabas ng bahay ang mga hindi pa bakunado kontra COVID-19.
Sa kaniyang talk to the people, sinabi ng Pangulo na bilang chief executive ay kinakailangang gumawa siya ng hakbang lalo na ngayong nasa national emergency tayo.
Kasunod nito, dapat aniyang arestuhin ang mga unvaccinated na hindi makikipagtulungan sa mga kinauukulan.
***
Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon mag-email lang sa balyador69@gmail.com.
Ugaliing makinig sa programang “BALYADOR” at “WALANG PERSONALAN TRABAHO LANG” mula lunes hanggang linggo 11:00am-12:00noon sa RADYO NG MASA entertainment net radio. tuwing sabado at linggo 12:00nn-12:30pm sa DWBL 1242 kHz am band, tuwing martes 9:30am RADYO NATIN 105.3 FM Pinamalayan at 10:00am RADYO NATIN 102.9 FM Victoria, tuwing huwebes 9:00-10:00am sa 96.9 FM RADYO NATIN Calapan City. Mapapanood livestreaming at Youtube live!