Advertisers
Tanging si Sen. Christopher Lawrence “Bong” Go lang ang senador na tinaguriang Mr. Malasakit.
Bakit kanyo mga dear readers?
Sinu-sino nga ba sa mga senador natin ngayon ang gumaganap sa kanyang sinumpaang tungkulin by the book?
Bukod sa pagbalangkas ng iba’t bills sa Senado ay para ring itong trumpo sa kakaikot sa buong bansa para maghatid serbisyo at ayuda sa ating mga kapus-palad na kababayan.
Umaabot at nakakarating ito sa kasuluk-sulukan ng bansa para maghatid ng tulong at biyaya sa kanyang mga kababayang nangangailangan.
Kung may trahedya gaya ng sunog, pagbaha at pagbagyo, matulin pa sa alas kuwatro ang pag-ayuda ng Senador ng masa na may kakaibang malasakit para sa kanyang kapwa.
Walang mayaman o mahirap, walang malaki o maliit na JUAN DELA CRUZ para kay SBG, monicker ng mambabatas.
Para kay SBG, lahat ay pantay-pantay!
Totoong mabait at tunay na tao.
Walang yabang at hangin sa ulo.
Patuloy at tapat na nagbibigay ng suporta hindi lamang sa kanyang immediate boss na si Pangulong Rodrigo Duterte, maging sa ating mga Pilipino.
Di alintana ni Senador Bong Go ang mga peligro sa kanyang buhay at kalusugan.
Patuloy siyang visible sa lahat ng kanyang mga kababayan kahit pa nga ang iba diyang mga kapwa nito senador at mambabatas ay nagtatago sa comfort ng kanilang mararangyang tahanan simula pa nung nagkaroon ng pandemic.
Umaraw man o bumagyo, tuloy ang bawat programa ng senador para makatulong on a 24/7 basis.
Kaya nga tayong mga ordinaryong mamamayan ay labis ang paghanga kay Senator Bong Go.
Sa dami at sa tagal na din ng ilang senador na nanungkulan sa ating bansa, wala ni isa ang nakaisip ng Malasakit Center na pinakikinabangan na ng mga kababayan natin ngayon.
Ipinapakita kasi nito ang isang hindi matatawarang ehemplo ng pagkakaloob ng serbisyo publiko sa bayan at sa mga mamamayan nito.
Kaya idol ang tawag natin sa tinaguriang Mr. Malasakit ng Senado na walang iba kundi si Senator Bong Go.
Long live sir SBG.
May this Year brings you more stamina and best health to serve the Filipino people.
May your tribe increased Bossing!
***
PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com