Advertisers

Advertisers

BBM nagbayad ng tax, ‘di nagbayad ng multa

0 618

Advertisers

SINABI ng kampo ni Presidential aspirant Bongbong Marcos, Jr. na nagbayad na sila ng tax sa Bureau of Internal Revenue (BIR), ang isyung kinukuwestyon ng petitioners na nagpapakansela sa kandidatura ni BBM dahil convicted ito sa tax evasion noong gobernador pa siya ng Ilocos Norte mula 1982 hanggang 1985.

Sa preliminary hearing sa petition nitong nakalipas na Biyernes, sinabi ng abogado ni BBM na si Hanna Barcena na nagbayad ng tax ang batang Marcos sa LandBank. Kaya lang wala siyang maipakitang opisyal ng resibo na isyu ng BIR.

“Your client did not pay the fines with the court, do you admit?,” tanong ni ComElec Commissioner Rowena Guanzon.



Inamin naman ni Atty. Barcena na hindi nga nagbayad si BBM sa Quezon City Regional Trial Court Branch 105, ang korte na nag-convict kay BBM noong 1995.

“Yes, your honor. The payment was made directly to the BIR. There was a payment made. We have no evidence that the payment was made in court, but we have a certification from the BIR that the payment was made through the LandBank,” pag-amin ni Atty. Barcena.



Sabi naman ni retired Supreme Court Sr. Associate Justice Antonio Carpio, ang binayaran ni Marcos sa BIR ay kanyang tax defeciency, pero ang kanyang multa ay dapat niyang bayaran sa korte na nag-convict sa kanya.

“The fine should be paid to the court because it is a penalty for the crime, not a tax. The BIR has no authority to accept payment of the fine,” diin ng batikang abogado.



Si BBM ay hindi pumasok sa virtual hearing dahil naka-isolate daw ito dahil nag-Covid19 positive ang kanyang dalawang staff.

Sagot ni Guanzon, hindi naman nakakahawa ang Covid sa virtual. Oo nga. Hehehe…

Sabi ng netizens, kaya hindi pumasok sa virtual hearing si BBM ay dahil baka lalo siyang madiin sa akusasyon laban sa kanya. “No talk, no mistake.”

Say ni Carpio, ang tanging paraan para hindi ma-disqualify si Marcos sa petition laban sa kanya ay ang kusa siyang magwidro. Araguy!!!

Ayon pa kay Carpio, noong tumakbong Senador si BBM siya’y dapat nang na-disqualify. At nang tumakbo siyang Bise Presidente noong 2016, siya’y dapat ding na-disqualify.

Anyway, sabi naman ni Atty Vic Rodriguez, ang Chief of Staff at tagapagsalita ni BBM, sakali mang ma-disqualify si BBM, si Senador Imee Marcos ang maaring pumalit sa kanya.

Let’s see!!!

***

Painit nang painit ang labanan sa mayoral sa Maynila. Mukhang nakalalamang ang anak ni dating yumaong Manila mayor Mel Lopez na si Atty. Alex Lopez.

Bakit ko nasabi ito? Kasi ang mga tao ni dating Mayor Erap Estrada, dating Mayor Lito Atienza at late ex-Mayor Fred Lim ay sumama na kay Lopez.

Kumpleto rin si Lopez sa mga kandidato mula kongresista hanggang konsehal sa anim na distrito ng Maynila.

Si Lopez ay tumatakbo sa partido ni Presidential aspirant Bongbong Marcos Jr.

Ang isa pang kandidatong mayor sa lungsod na may kumpletong makinarya ay si Vice Mayor Honey Lacuna.

Mukhang ang dalawang ito ang magbabakbakan!