Advertisers

Advertisers

“ISSA”… Sabalota ng Muslim communities

0 1,351

Advertisers

SA nalalapit na PRESIDENTIAL ELECTION ay ISKO MORENO at SARA DUTERTE ang isusulat ng MUSLIM COMMUNITIES na kapag-asahang magsasalba sa kapakanan ng buong sambayanan.

Sa pangunguna ni MAGUINDANAO 1st DISTRICT REPRESENTATIVE DONG MANGUDADATO ay inilunsad nitong nakaraang SABADO ng hapon ang ISSA TANDEM o ang ISKO SARA na iboboto ng kanilang mga komunidad.

Tema sa pagsusulong ng nasabing tandem ay “Magka ISSA Tayo Bayan ay Aasenso!” , na pangunahing kinilala ng MUSLIM COMMUNITIES sa METRO MANILA ay ang iniambag na respeto at pag-asiste ni MANILA MAYOR ISKO MORENO sa pananampalataya ng mga MUSLIM .



Aniya, si ISKO umano ang unang umasikaso o tumulong sa mga MUSLIM para magkaroon ng sementeryo o sariling libingan ng mga namamatay na MUSLIM sa lungsod ng MAYNILA.., na malaking katulungan at kinikikala ng mga taga-MINDANAO.

Naihayag ni REP. DONG MANGUDADATO na maraming taga-MINDANAO ang umalis sa kanilang sinilangang bayan upang layasan o iwasan ang matagal nang karahasang nagaganap sa kanilang lugar.., at dito sa METRO MANILA naglakas-loob sa pakikipagsapalaran sa pamumuhay.



Malaki umano ang iniambag ni ISKO MORENO sa mga MUSLIM COMMUNITY at kinikilala ito ng kanilang hanay.., kaya ngayon pa lang ay kanilang ipadarama ang pagkilala kay ISKO sa paraang ito ang kanilang isusulat sa balota para sa PRESIDENTIAL ELECTION.

Gayunman sa kasalukuyang sitwasyon ay napakalakas ng hugong sa mga SURVEY ang pangunguna ni BONGBONG MARCOS sa mga kumakandidato sa pagiging PHILIPPINE PRESIDENT at patunay ang mga MOTORCADE kahit saang panig sa ating bansa.



Ipinunto naman ni REP. DONG MANGUDADATO na ang mga lumalabas na RATING SURVEYS ay pawang MIND CONDITIONING at hindi naman lahat ng mga sumama sa MOTORCADE ay masasabing boboto kay BBM.., kundi, karamihan sa mga sumasama sa BBM MOTORCADE ay dahil sa budget na kanilang natatanggap.

Sa mga darating na araw ay aasahan ng kanilang grupo na ang ISSA TANDEM ay magiging matunog at ito ang susuportahan hindi lamang ng mga MUSLIM COMMUNITY kundi ng MAYORYANG BOTANTE ay sina ISKO MORENO at SARA DUTERTE ang iluluklok para maging PRESIDENT at VICE PRESIDENT ng ating bansa.

Aniya, ang kanilang pagpili sa tandem na ISKO at SARA ay kusa umanong napagkaisahan ng kanilang hanay o mga kapuwa MUSLIM COMMUNITIES na nasa METRO MANILA at mga karatig lalawigan.

InihihIngi rin ni MANGUDADATO ng dispensa kay DOC. WILLIE ONG na kanila rin umanong kaibigan dahil hindi nila ito madadala sa eleksiyon at sa halip ay si SARA DUTERTE ang kanilang ninanais na maging VICE PRESIDENT para sa kanilang ikinakampanyang si ISKO MORENO sa pagiging PHILIPPINE PRESIDENT.

***

Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext lamang sa 09085841303 para sa inyo pong mga panig.