Advertisers
Inulit ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso na maari ring makakuha ng anti-Covid drugs sa pamahalaang lungsod ng Maynila ang mga non-Manila residents.
Ayon sa alkalde, may sapat na suplay ng Remdesivir, Tocilizumab, Baricitinib at Molnupiravir ang Manila LGU na kasalukuyang kailangan dahil sa paglobo ng kaso ng Covid-19.
“Sa ating mga kababayan na naghahanap ng gamot, welcome po kayo sa Maynila. Ang importante, mabuhay yung tao, mailigtas yung tao, kahit sino pa siya. Sa Maynila, walang mayaman, walang middle class, walang mahirap. Lahat pantay-pantay. They can avail these medicines. Basta mabuhay lang ‘yung tao,” ayon kay Domagoso
Nitong nagdaang ilang araw ay abala ang mga kawani ng city government na mamahagi ng kahon-kahong Mulnopiravir sa mga nangangailangan dahil ito ay unang oral antiviral drug na sinasabing nakakabawas sa peligro ng pagkakaospital at pagkamatay ng COVID patients ng 50%.
Pinipigilan din nito ang banayad hanggang katamtamang mga kaso ng COVID-19 mula sa pag-unlad sa malubhang sakit sa kondisyon na ang gamot ay iniinom sa unang limang araw ng impeksyon.
Aabot sa 40,000 capsules ng Molnupiravir ang binili ng Manila LGU at idiniliver sa Sta. Ana Hospital noong November.
Ayon kay Domagoso, may panibagong delivery ng Molnupiravir ang inaasahang darating sa katapusan ng January dahil sa mataas na demand para sa gamot sa gitna ngbagong surge ng COVID cases.
“All they have to do is coordinate sa ating Manila Health Department or dun sa mga pinopost naming numero, tawagan lang nila at idedeliver natin at i-eextend natin yung mga gamot laban sa Covid-19. Reseta lang talaga kailangan. Kasi we could not dispense without the prescription,” paalala pa ni Domagoso.
Umapela naman si Aksyon Demokratiko vice presidential bet Dr. Willie Ong sa mga city mayor’s na magfocus at bumili ng gamot para sa Covid
“Ang tunay na gamot sa Covid sa ngayon, meron tayong Molnupiravir na 30 percent effective, meaning na pag ibinibigay sa mild to moderate COVID patients, 30 percent less hospitalization, 30 percent less death,” pahayag ni Dr.Ong
“Kung kayo ay nasa NCR, order muna kayo nitong Molnupiravir. Diyan sa mga probinsiya, order na rin tayo kasi magsa-surge din diyan after a few weeks, baka delayed lang ng two weeks or three weeks,” dagdag pa ni Dr. Ong.
Pinayuhan din nito ang mga city mayor’s na mag-advance orders na ng Paxlovid na nakakabawas ng tyansa ng pagkakaospital at pagkamatay ng 87% .
“Meron generic na mabibili natin, itong Vexovid, parehong-pareho ito sa Paxlovid na Nirmatrelvir + Ritonavir. Meron ng maoorderan niyan, nagkalat na sa Viber ng mga duktor. alam na alam na nila ito. Sa mga mayors order na tayo. We have to buy the medicines as fast as possible,”
“Vexovid, order kayo ng mga 500 courses din. Dito kami sa Maynila, umorder na kami ng Vexovid. Kami ang unang umorder,” ayon pa kay Ong.(Jocelyn Domenden)