Advertisers
SINO nga ba ang sumisikat na gambling lord ng Malabon City na may bansag na MARIO BUKBOK as in bukbukin ang makapal na pagmumukha!
Malakas daw ang kupal na ito sa mismong ama ng lungsod ng Malabon na si Len Oreta dahil isa sa mga sipsip-butong Barangay Kapitan ng Malabon ang anak nito.
Dahil ka sa desipulo ni Mayor Len ang kupal na anak ni MARIO Bukbok, bahag umano ang buntot ng lokal na kapulisan na hulihin ang pasimuno ng iligal na sugal diyan sa siyudad ng Malabon.
Kilala kaya ng kaibigan nating si Bong Padua ang kalawang na ito ni Mayor Len d’yan sa Malabon City?
Dumarayo pa sa kalapit na lungsod ni Mayor Toby Tiangco ang kamandag nitong si MARIO BUKBOK dahil may mga kubransa ring nakukuha ang mga kolektor ng kupal na ito mula sa pa-bookies nito sa karera ng kabayo at lotteng sa balwarte ni Mayor Toby.
Bukod sa pa-bookies na ito ni Mario Bukbok, may pa-ending pa rin ito sa PBA, saklaan at may VK rin as in video karera machines.
Ibig sabihin, nakadepende na talaga sa iligal na sugal ang nilalamon sa araw-araw ng buong pamilya ni Mario Bukbok.
Galing din kaya sa iligal na sugal ang ipinalaki nito sa anak nitong barangay kapitan?
Sabagay, ano nga ba ang papel ng isang sipsip-butong Kapitan ng Malabon kundi dumikit at humimod ng puwet sa Pinapanginoong pulitiko nito na si Mayor Len?
May kasabihan nga tayo sa wikang Ingles na ‘ birds of the same feather, flocks together’ hehehe.
Kung bulok ang mga tagasunod ng isang lider, mas bulok marahil ang mga pina-Panginoon ng mga ito.
Lalo na kung ang lahing pinagmulan ay mula sa mabantot na imburnal.
Nagtataka lamang tayo kung bakit tila inutil na naturingan sa mga katarantaduhang ito ni Mario Bukbok ang mga opisyales ng Malabon PNP at ng liderato ng Northern Police District (NPD)?
Namamalahibo ba ang mga ito kay Mayor Len Oreta at sa Barangay Kapitan na anak ni Mario Bukbok?
Kung hindi man namamalahibo, malamang ay nakikinabang!
Paging NCRPO Director, Major General Vic Danao sir!
Sir mukhang maraming malatubang pulis pa ang natitira d’yan sa AOR ng Malabon na dapat n’yong italagang taga-bantay ng flag pole ng NCRPO.
Pati yung COP ng Malabon at ang mismong district director ng NPD ay puwede mo nang italaga na “bantay” sa flag pole ng NCRPO.
Isa sa umaga para mabilad sa araw at magising sa katotohanan at yung isa naman ay sa gabi para mababad sa hamog para matauhan at magising nang mawala ang pagka-adik sa “intelihensiyang” galing sa iligal na sugal!
“Yan po Gen. Vic Danao ay kung totoo kayo sa inyong mga binibitawang salita sa harap ng media!
Kung di n’yo kayang gawin po ang isina-suggest ng inyong abang lingkod tungkol sa mga malatuba ninyong mga opisyales sa Malabon at NPD, we rest our case.
Mananaginip na lamang po kami at mangangarap ng gising Gen. Vic Danao sir!
May kasunod…
Abangan!
***
PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com