Advertisers

Advertisers

Matinding trauma at phobia dinaranas ng maraming mamamayan hinggil sa paglobo ng kaso ng Covid-19, ano nga ba ang basehan at batayan nito?

0 211

Advertisers

BUKOD sa takot at nerbiyos, dumaranas na rin ng matinding trauma at phobia ang marami nating mamamayan hinggil sa paglobo ng kaso ng covid19.

Dahil nga sa pagdami ng kaso partikular na ang bagong variant nitong Omicron, hindi natin maiaalis na magtanong ang mga ito na kung ano nga ba ang basehan at batayan kung bakit tuloy-tuloy ang pagsibol nito sa mga datus.

Ano nga ba talaga ang mga sintomas na tinitingnan ng ating mga eksperto na halos 40 porsiyento na ang pag-usbong sa araw-araw na ginawa ng Diyos.



Pinapalagay ng marami kasama na ang mga dalubhasa na ang ilan sintomas ng variant na ito ay lagnat, sipon, sore throat at pananakit ng katawan na di nalalayo sa isang taong may trankaso.

Sa kabutihang-palad naman ay hanggang lalamunan lang ito at hindi na darating pa sa baga o respiratory system na di tulad ng mga unang lumabas na variant na ang huli ay Delta dahil mas mahirap ito at delikado.



Kung ibabase ang mga sintomas nito tulad ng mga unang nabanggit, hindi nga malayong lumobo ito ng lumobo sa mga datus.

Sa ganitong kalagayan at situwasyon, hindi mo rin masisisi ang mamamayan kung magkaroon ng trauma at phobia dahil sa kahirapang dinaranas.Hindi rin natin ma-iaalis na mag-isip ang mga ito ng panibago na namang lockdown at community quarantine, walang ibang kawawa dito kundi si Juan de la Cruz.



Sinabi rin ng ating mga eksperto na ang variant na ito ay tatlong beses na highly admissible at contageous, madali at mabilis itong makahawa na pawang totoo naman.

Sa awa naman ng Diyos ay hindi naman ito ganon kalupit tulad ng mga nauna ritong mga variant na ‘di kaila sa atin ay maraming kinitil na buhay.

Itong Omicron na ito ay wala pa namang nakitil na buhay hanggang sa kasalukuyan at wala pa rin namang porsiyento base sa mortality rate.

Marami ang nananalangin na huwag naman daw masyadong ikarga ng mga eksperto sa datus ng mga positibo sa covid19 kung nakitaan lang naman ng mga mild syntoms gaya ng lagnat, sipon at sore throat.

Huwag din naman sanang ipatupad na naman ang alert level 4 na sa simpleng salita ay panibagona namang lockdown at community quarantine. Sana daw ay epektibo ito at mabisa nguni’t wala rin naman itong epekto’t bisa.

Halos dalawang taon na tayong nasa panahon ng pandemya at siguro naman ay kapado na natin ito, alam na alam na siguro natin kung papaano ito lalaruin at kung papaano nating proprotektahan ang ating mga sarili at mahal sa buhay laban dito.

NANANAMPALATAYA AT MGA DEBOTO, SA DIYOS NA LANG KUMA-KAPIT…

May ibang pananaw din ang marami nating nananampalataya at deboto na wala na rin ibang alternatibo at nararamdaman kung kaya’t sa Diyos na lang daw sila kuma-kapit kaysa kung kani-kanino pang tao at eksperto sumunod.

Hindi mo rin maiaalis sa kanila ang santabi muna ang syensiya at medisina bagkus ay nais daw nilang ibaling sa Diyos ang tiwala at buhay na kasalukuyang pinag-dadaanan.

Mantakin niyo nga naman na halos dalawang taon na tayong nasa panahon ng pandemya nguni’t hanggang sa kasalukuyan ay wala pa ring nangyayari at lalo pa yatang lumalala ang situwasyon.

Titigil, mapipigil ng sandaling panahon nguni’t huwag ka dahil eto na naman ang surge na tatlong beses pa yatang lumaki kaysa dati, di po ba?

Biruin niyo na sa loob halos ng dalawang taon ay naging masunurin naman tayong lahat at parang robotic na sa pagtupad ng mga programa at alituntunin ng mga eksperto at gobyerno nguni’t wala rin.

Sa puntong ito ay sinasabi ng mga deboto na sa Diyos naman daw kumapit at mag-tiwala dahil hindi na daw siguro masama na sinunod natin lahat ang pinapatupad ng kung sino-sino ng halos dalawang taon pero wa-epek din.

Sa pagkakataong ito, dapat naman sigurong ibahin naman ang istilo… for a change… there’s no harm in trying daw he… he… he…

Hindi masama at pwede rin naman dahil sa huling yugto ng ating buhay na alam na nating wala ng magagawa ang sino man, wala na rin tayong tatawagin at sasambitin pang pangalan kundi ang PANGINOONG DIYOS.