Advertisers

Advertisers

3 magpipinsang rapist, arestado

0 229

Advertisers

Bumagsak sa kamay ng alagad ng batas ang tatlong magpipinsan sa bisa ng warrant of arrest dahil sa kasong panggagahasa sa isang menor-de-edad sa Masinloc, Zambales.

Kinilala ang tatlong akusado na sina John Carlo Ingalan at pinsan nito na magkapatid na sina Jhumeldy at Jhumardy Trigo na pawang residente sa naturang bayan.

Naaresto ang tatlo sa magkakahiwalay na operasyon na isinagawa ng pinagsanib na pwersa ng Masinloc Municipal Police Station Zambales Provincial Intelligence Unit at CIDG Alaminos Pangasinan sa bisa ng Warrant of Arrest na inilabas ni Honorable Judge Marlon Soriano Meneses ng RTC Branch 55 Alaminos Pangasinan sa salang panggagahasa sa isang menor de edad.



Sa report, nangyari sa bayan ng Bolinao, Pangasinan may ilang buwan na ang nakakaraan ang panggagahasa ng tatlong magpinsan sa isang menor de edad.

Ang tatlong akusado pansamantala nasa kustodiya ng Masinloc Police Station para sa kaukulang dokumentasyon bago ipasakamay sa court of origin.(Rey Velasco)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">