‘Capitol in the South’, dump truck, backhoe, ‘di solusyon sa lumalalang kaso ng Covid-19 sa Oriental Mindoro
Advertisers
IPINAGMAMALAKI ngayon ng kampo ng administrasyong dolor ang ‘capitol of the south’ maging ang mga bagong dump truck at backhoe sa panahon ng pandemic.
Ayon sa ilang mamamayan na mahigit dalawang taong nagtiis sa hirap at gutom dulot ng pamdemya. Hindi umano nakakatulong ang ipinagmamalaking ‘capitol in the south’ sa dumaraming kaso ng covid sa mga pampublikong ospital sa Oriental Mindoro lalo na sa Oriental Mindoro Provincial Hospital (OMPH) na punong-puno na ng pasyente na ang karamihan sa tent na lamang natutulog, umulan man o umaraw.
Anila, ito umano ang dapat bigyan ng agarang aksyon ni Governor Humerlito “Bonz’ Dolor, hindi ang ‘Capitol in the South’ at mga Heavy Equipment dahil kawawa ang mga taong tinamaan ng COVID at mga nagkakasakit.
Wag umano takpan ang lumalalang “issue” kung saan nasa ‘critical level’ na ang lagay ng mga pampublikong ospital sa Oriental Mindoro.
Sana raw ang pinangbili sa backhoe at dump truck ay ginamit na lamang sa pagpapagawa ng kalsada, pagpapatayo ng ospital, pagpapatayo ng eskwelahan, ayuda sa mga mag-aaral, tulong sa mga senior citizen at ayuda sa mga magsasaka at mangingisda.
Ipinakita lamang umano ng pamahalaang panlalawigan ang kawalan ng “konsensiya” lalo na sa panahon ng pandemya kung saan hindi pa nakakabangon ang mamamayang mindoreño mula sa nagdaang malalakas na bagyo.
Saganang akin, opinyon kulang, dapat nakatutok ang pamahalaang panlalawigan sa pagbibigay ng ayuda sa mga mahihirap.
Ang utos kasi ng Republic Act (RA) No. 11469 o Bayanihan to Heal as One Act, tulungan ang mga mamamayan na naghihikahos pero mukhang kabaliktaran ang nangyari o ginawa ng provincial government kundi pag-aksaya ng kwarta, parang si ASYONG AKSAYA?
Ayon sa Republic Act (RA) No. 11469 o Bayanihan to Heal as One Act, otorisado naman dyan ang lahat ng pamahalaan na i-re-allocate, i-reprogram at i-realign ang pondo o budget para gamitin o ipamahagi bilang ayuda sa mga apektadong komunidad, sektor at industriya dahil sa COVID-19 pandemic.
Mandato rin ng naturang batas na yan ang pagsusumite ng report kaugnay sa mga hakbang na gagawin ng pamahalaang panlalawigan bilang tugon sa public health emergency.
Ayon sa utos ng HEAL AS ONE ACT, tulungan ang mga mamamayan na nawalan ng trabaho.
@@@
Kamakailan lang, dahil sa delayed na renewal ng kontrata at pagbibigay ng sahod, hindi pumasok sa kani-kanilang trabaho ang mga laboratory workers ng Oriental Mindoro Provincial Hospital nitong Lunes, Oktubre 18.
Ayon sa isang source, ang mga medical technologists ng naturang ospital ay hindi pumasok bilang protesta sa delayed na release ng kanilang sahod at pag renew ng kontrata nila ng pamahalaang panlalawigan.
Sa panayam ng isang media outlet, sinabi ni OMPH acting chief Dr. Dante Nuestro na hindi bababa sa 18 medical technologists ang hindi pumasok sa trabaho.
Karamihan sa mga staff ay napag-alaman nasa ilalim ng contract of service sa Oriental Mindoro provincial government.
Subaybayan natin!
@@@
Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon mag-email lang sa balyador69@gmail.com.
Ugaliing makinig sa programang “BALYADOR” at “WALANG PERSONALAN TRABAHO LANG” mula lunes hanggang linggo 11:00am-12:00noon sa RADYO NG MASA entertainment net radio. tuwing sabado at linggo 12:00nn-12:30pm sa DWBL 1242 kHz am band, tuwing martes 9:30am RADYO NATIN 105.3 FM Pinamalayan at 10:00am RADYO NATIN 102.9 FM Victoria, tuwing huwebes 9:00-10:00am sa 96.9 FM RADYO NATIN Calapan City. Mapapanood livestreaming at Youtube live!