Advertisers

Advertisers

QC Mayor Joy ang makataong lider!

0 1,576

Advertisers

SA pandemyang dinadanas ngayon na halos ipagpuwersahan ng ilang mga ahensiya ng gobyerno ang pagpapabakuna sa lahat ng mga tao ay kaiba ang pamamalakad ni QUEZON CITY.MAYOR JOY BELMONTE na umiiral pa rin sa kaniyang puso ang pagiging MAKATAO at hindi tuluyang ginigipit ang mga ayaw magpabakuna.

Sa ibang mga lungsod ng NATIONAL CAPITAL REGION (NCR) ay naglunsad ng mga ordinansang pagbabawal sa mga hindi bakunado na lumabas sa kanikanilang mga bahay at kung matitiyempuhan ang mga ito na gumagala ay aarestuhin at pagmumultahin pa. Bukod diyan ay may mga ordinansa pang pagbabawal sa mga hindi bakunado na makasakay sa mga pampublikong lugar o ang NO VAX NO RIDE POLICY.

Ang naturang POLICY ay kinokondena ng ilang mga sektor tulad sa hanay ng mga manggagawa na tuwirang pagyurak umano ito sa itinatakda ng batas na paglabag sa karapatang pantao.., dahil karapatan umano ng inidibiduwal ang magdesisyon sa kanilang pansariling kalusugan at huwag puwersahin o gipitin ang mga taong ayaw magpabakuna.



Sa isyu ng bakunahan ay naglabas ng paglilinaw si MAYOR JOY na “hindi totoo na mandatory ang pagsusuot ng face shield sa pampublikong lugar.., sabi nga ni MAYOR JOY ay huwag magpakalat ng fake news upang huwag magkaroon ng kaligaligan o kalituhan ang mga tao.

Sa isinasaad ng QC ORDINANCE NO. 3079, S-2022 ay kinakailangan ang pagsuot ng face shields sa loob ng ospital at iba pang high-risk areas tulad ng quarantine facilities sa lungsod.



Ang QC COUNCIL sa liderato ni MAYOR JOY ay nagpasa ng ordinansang nagpapahintulot sa mga hindi pa bakunado kontra COVID-19 na lumabas ng bahay para sa importanteng sadya, tulad ng pagtatrabaho at pagbili ng pagkain, pero bawal sa mga mall at dine-in services.

Ang ordinansang ito ay indikasyon na malaki ang pagpapahalaga ng QC COUNCIL at ni MAYOR JOY sa aspeto ng HUMAN RIGHTS…, na hindi ginigipit ang galaw ng mga ayaw magpabakuna.



Para sa galawang ALERT LEVEL 3 SA QC na ipinatutupad ng INTER-AGENCY TASK FORCE (IATF) sa NCR ay pinapaalalahanan ang QCitizens sa.., 10:00pm – 5:00am disciplinary hours sa menor de edad; limitadong dine-in at personal care services; 70% maximum capacity sa PUVs; pagpapatupad ng Special Concern Lockdowns sa may mataas na transmission rate; pagsusuot ng mask, regular disinfection, at pagdistansiya sa iba

Kaiba naman sa ipinaiiral ni SAN JUAN CITY MAYOR FRANCIS ZAMORA na mahigpit nilang ipinapatupad ngayon ang pagbabawal sa mga hindi bakunado na lumabas ng bahay at magtungo sa mga pampublikong lugar at sumakay sa public transportation.

Nakipag-meeting aniya sila sa mga may ari ng mga business establishments para mahigpit na ipatupad ang NO VACCINE NO ENTRY.

Binalaan ng alkalde ang mga negosyo, bangko, restaurants at iba pang pasilidad na ipasasara o tatanggalan ng permit kapag lumabag sa mga panuntunan.

Paglilinaw ng alkalde ginagawa ito para makaiwas sa mas malalang kaso na naman ng COVID-19 at kaligtasan ng lahat ng mamamayan.

***

Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext lamang sa 09085841303 para sa inyo pong mga panig.