Advertisers

Advertisers

MEDICAL MARTIAL LAW?

0 220

Advertisers

NASA ilalim na ba ng martial law ang Pilipinas?

Mistula na naman kasing ghost town ang Kamaynilaan hindi dahil may umiiral na batas militar kundi dahil sa kapraningan sa pesteng covid-19 na parang wala na itong katapusan.

Di mawari ng korner na ito kung bakit sobrang takot ang bumabalot sa pamayanan sa bawat alarma o anunsiyo ng mga alagad ng medisina na naglipana na raw ang mikrobyong nakamamatay kaya tuloy ang pandemya at kailangang sikilin ang galaw ng tao para makaiwas daw sa hawaan.



Kinontrol na ng mga doktor at health experts ang tao pati na ang gobyerno. Sa bawat kumpas nila ay nauutusan nila ang pamahalaang magpatupad ng protocol, patigilin ang aktibidades ng sambayanan at pilayin ang negosyo na isang tunay na dahilan kung bakit may mga namamatay, hindi dahil sa covid kundi bunga ng takot, stress, depresyon at gutom pati na ang mga dating karamdaman at sakit- matanda ay isinama sa kahorrorang datos.Nasaan ang epekto ng BAKUNA kung patuloy ang masamang alarma?

Kung nangyayari sa ibang bansa ang ganitong kapraningan kailangan bang mangyari din o gayahin rin ng Pilipinas? Pero ang siste masyadong OA ang pagpapatupad para i-neutrelize daw ang mikrobyong pang-epidemya lang at hindi pandemya sa totoo lang..

Paanong hindi tataas ang bilang ng mga nako-covid..nang dahil sa takot, sa simpleng ubot-sipon lamang sa pagbago ng klima ay humahangos ang mga napakaraming nerbiyoso para patingin sa ospital, natural sasabihing positibo sila kaya kabilang na agad sila sa istats ng tinamaan daw ng pesteng covid upang bumalot ang takot dahil sa maitim na propagandang may mga nakikinabang sa sitwasyon.

Ang mga alagad naman ng impormasyon ay sobrang excited sa paguulat ng masamang balita na napakasama ng epekto lalo na sa pamayanang isang- kahig ,Isang tuka na di na makakahig dahil sa higpit ng gobyerno

Nasaan ang talino ng tao sa panahong ito na modernong siyensya?Bakit sa imbes na kontrahin ang inimbentong sakit ay nagpaalipin sa takot kaya may mga nalagas na mga buhay at sapat na upang magpanic ang bayan dahil sa MEDICAL MARTIAL LAW.Sinu- sino ang nakikinabang sa sitwasyong ito?Your guess is as good as mine.



LOWCUT-Shoutout sa ating mga Ka- buklod para sa kapakanan ng bayan.Handa nang umarangkada ang bagong tatag na samahan ‘for a noble cause’ na Buklod Bayang Magilas(BBM) Pilipinas sa pamumuno ng tanyag at subok na civic leader na si Rafael Tolentino kaagapay sina Shaocai Yang,Gilas Simon,Teresita Chee,Danilo Amos,Jessielyn Fernando,Melchor Reyes,Arex Anza ,Enrique Gavilino at Joel Perpetua ayon sa pagkakasunod at siyempre kay Ronnie Palomares .Acknowledgment sa PINOLILINO sa kanyang agapay sa grupong binubuo ng mga magigilas na personahe na may nagkakaisang layunin para sa minamahal na bansa.Opkors kaisa sila sa kampanya ni presidentiable Bongbon Marcos at vice presidentiable Sara Duterte.Long Live BBM PILIPINAS!