Advertisers
MATAPOS maghari sa Ozamis City kung saan ang “ Iron Man” ng Philippine Chess ay mangibabaw sa Open division at sa Battle of Champions side event ng 5th Asenso Ozamiz Chess Festival, Antonio ay tutungo sa Taiwan para sa isa na namang major chess tournament.
Nakatakda siyang sumabak sa 2025 Chinese Taipei Chess Association International Chess Championships scheduled mula Hulyo 17 hanggang 21, 2025 sa Taipei, Taiwan.
Antonio, na may Elo rating na 1354, ang maging third seed ng tournament sa Taiwan sa likuran ni GM Sayantan Das (2434) ng India at GM Gergely Aczel (2420) ng Hungary.
Nakaraang Linggo, Antonio ay nagwagi ng 8 medalya para sa bansa, kabilang ang 4 golds sa 50-up age-group tournament, sa Penang, Malaysia.
Nagwagi siya ng P50,000 sa 10-player round-robin format Battle of Champions gamit ang Armageddon format Sabado.
Kinabukasan, nakamit ni Antonio ang championship sa open tournament ng Ozamis Chess Festival na may 7 panalo at 2 draws. Binulsa rin nya ang P100,000 cash price handog ng Asenso Misamis Occidental Chess Association na pinamumunuan ni Arena Grandmaster Rey Urbiztondo.
Sa malaysia, Antonio nagwagi ng 8 medalya sa 23rd Asean+ Age Group Chess Championships na ginanap mula Hulyo 1-11.Overall, humakot siya ng four gold medals at two silver medals sa men’s 50+ category.
Sa Abril ngayon taon, Antonio nagtapos runner-up sa Melbourne International Open Rapid Chess Championships na ginanap sa Melbourne Chess Club, Melbourne, Australia.
Nag fourth place rin siya sa Premier division ng 2025 O2C Doeberl Cup Standard competition sa sumunod na Linggo sa canberra,Australia.
Antonio,binansagan na Iron Man dahil sa kanyang abilidad na maglaro ng high level ng chess consistently, ay nakatakda ring sumabak sa FIDE (World Chess Federation)World Seniors Chess Championships scheduled mula Oktubre 20-Nobyembre 2 sa Puglia, Italy.