Advertisers

Advertisers

Booster shots sa drive-thru 24/7 na sa Maynila

0 45

Advertisers

Bukas na 24/7 ang operasyon ng drive-thru vaccination para sa booster shot sa Quirino Grandstand sa Maynila.

Ang booster vaccination sites ay umarangkada kahapon ng umaga kung saan maagang pumila ang mga nais magpabakuna ng boostershot.

Sa halip na hanggang alas 8 lamang ang iskedyul ng booster shot sa drive-thru ay ginawa na lamang itong magdamagan o 24/7 upang ma-accomodate pa ang karamihan na nagtyagang pumila simula pa lamang ng umaga.

Noong una ay sinabi ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso na hanggang maximum na lima ang maaring bigyan ng booster na sakay ng sasakyan pero ngayon ay wala nang limit sa bilang ng Tao bastar nasa loob ng 4-wheel vehicle.

Kabilang sa 4-wheel car na maaring pumila ay ang private car, van, jeep o taxi at kahit hindi taga-Maynila, maaari magbakuna rito.

Dalhin lamang ang vaccination cards na patunay na nakatapos na ng first dose at second dose at kailangan pa ring magrehistro sa manilacovid19vaccine.ph para makuha ang QR code.

Ang available naman na brand ng bakuna sa drive-thru site ay Pfizer, Moderna, Astrazeneca at Sinovac.

Bukod sa drive-thru vaccination, meron rin bakunahan sa mga barangay, malls at iba pang lugar sa Maynila.(Jocelyn Domenden)

Leave A Reply

Your email address will not be published.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More