Advertisers

Advertisers

Doktor swak sa murder ng ex-justice

0 40

Advertisers

Nakitaan ng probable cause ng mga prosecutor ng Department of Justice (DOJ) para sampahan ng kaso si Dr. Ramon Tayag Pangan, kaugnay sa pagkamatay ni dating Court of Appeals (CA) Justice Normandie Pizarro na pinaslang mahigit isang taon na ang nakalipas.

Sa pahayag na inilabas ni Justice Undersecretary Emmeline Aglipay-Villar, nitong Miyerkoles ng gabi, sinabi nito na mayroong sapat na ebidensiya para kasuhan si Pangan sa kasong murder kay Pizarro.

“The prosecution found the evidence sufficient to support a finding of probable cause that Dr. Pangan committed the crime of murder against the person of retired Justice Pizarro,” sabi ni Villar.

Ayon kay Villar, inihain na ang impormasyon sa Capas, Tarlac Regional Trial Court at naghihintay na lamang ang DOJ na maglabas ng arrest warrant laban kay Pangan.

Leave A Reply

Your email address will not be published.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More