Advertisers

Advertisers

Pulis, inakusahan ng ‘police brutality’

0 49

Advertisers

ILOILO CITY – Mariing itinanggi ng pulis na miyembro ng Special Investigating Team na humahawak sa kontrobersyal na kaso ng pagpatay sa negosyante sa Iloilo ang akusasyon na sinakal, tinutukan ng baril at pinagbantaang papatayin ang isa sa mga salarin sa murder case.

Kinilala ang inaakusahang pulis na si Lt. Col. Jonathan Pinuela.

Ito’y kasunod ng alegasyon ni Rudelyn Sumbong, isa sa mga salarin sa krimen, na tinakot siya na papatayin umano ni Pinuela kung hindi nito isisiwalat ang kanyang nalalaman tungkol sa pagpatay kay Diergos.

Ayon kay Col. Adrian Acollador, director ng Iloilo Police Provincial Office (IPPO), sa pakikipag-usap nito kay Pinuela, nanindigan ito na nagsisinungaling lamang daw si Sumbong.

Ayon kay Acollador, sinabi sa kanya ni Pinuela na kung totoo ang akusasyon ni Sumbong, noon sana nai-report na niya ito sa otoridad.

Napag-alaman na maliban kay Sumbong, kabilang din sa 10 mga salarin na sinampahan ng kasong murder sina former San Dionisio Iloilo Mayor Peter Paul Lopez, misis na si Saliha “Sally” Lopez, at dalawa nilang anak.

Leave A Reply

Your email address will not be published.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More