Advertisers

Advertisers

Defense team ni VP Sara posibleng humingi ng TRO sa threshold issue

0 3

Advertisers

KINUMPIRMA ni Atty. Michael Wesley T. Poa na kabilang sa mga posibleng hakbang ng depensa ni Vice President Sara Duterte ang paghingi ng Temporary Restraining Order o TRO sakaling iakyat sa Supreme Court ang usapin sa conviction voting threshold.

Sinabi ni POA, kailangan pa nilang timbangin ang mga posibleng benepisyo at epekto ng paghingi ng TRO, kabilang ang magiging repercussions kung ito ay maibigay o hindi.

Klinaro naman ni Poa na hindi nila layuning kuwestiyunin ang integridad ng impeachment court.



Aniya, ang kanilang paglahok sa proceedings ay ginawa ad cautelam upang hindi masabing isinuko o na-waive ng depensa ang kanilang karapatang kuwestiyunin ang mga naging hakbang at ruling sa paglilitis.

Sinabi rin ni Poa na naiiba ang impeachment proceedings sa regular court system.



Aniya, maaaring isama ng depensa sa kanilang petition ang mga puntong sa tingin nila ay tama o mali kung tuluyan nilang iakyat ang usapin.

Gayunman, sinabi ni Poa na hindi pa pinal ang kanilang desisyon dahil kailangan din nilang isaalang-alang ang posisyon ni VP Duterte.



Iginiit niyang nirerespeto ng depensa ang lahat ng opinyon ng Senator-judges, pabor man o hindi sa kanilang panig.