Advertisers
TINIYAK ng Department of Justice (DOJ) na magpapatuloy ang kaso laban kay gambling tycoon Charlie “Atong” Ang kaugnay ng pagkawala ng mga sabungero, kahit may alegasyong aregluhan sa civil aspect.
Sinabi ni DOJ Prosecutor General Richard Anthony Fadullon, hindi maaapektuhan ang criminal case kahit hindi dumalo sa pagdinig ang ilang pamilya ng mga biktima.
Nasa law enforcement agencies na ang pagtugis kay Ang, habang patuloy ang koordinasyon ng DOJ sa PNP at iba pang ahensya para sa kanyang pag-aresto.
Diin ni Fadullon, hindi nakasalalay sa partisipasyon ng mga pamilya ng biktima ang pagpapatuloy ng prosekusyon.
Nahaharap si Ang sa non-bailable na mga kasong kidnapping with homicide at kidnapping with serious illegal detention. (Jocelyn Domenden)