Advertisers

Advertisers

Kudos sa Eastmincom

0 45

Advertisers

ATING pagpugayan, saluduhan at ipagbunyi ang napakagandang regalo sa atin ngayong bagong taon ng Hukbong Sandatahan ng Pilipinas partikular na ang Eastern Mindanao Command (Eastmincom) sa kanilang pagkakapaslang sa pinaka-wanted na New People’s Army (NPA) leader na si Menandro Villanueva, sa isang enkwentro sa Barangay Libudon, Mabini, Davao de Oro noong January 5, 2022.

Si Villanueva ay pinaka-matagal na ‘secretary’ ng NPA Southern Mindanao Regional Committee (SMRC) at naging secretary ng Komisyong Mindanao (KOMMID), commanding officer ng NPA National Operations Command (NOC), at miyembro ng POLITBURO ng Central Committee ng Communist Party of the Philippines (CPP).

Madulas ang NPA lider na ito, at siya ang nagtatag ng NPA sa Mindano noong dekada 70 pa, kasama si Edgar Jopson. Noong kanyang kabataan habang estudyante sa Ateneo de Manila, aktibista na siya at miyembro na ng Kabataang Makabayan (KM) bago nag-underground nang ideklara ang Martial Law.

Sa loob ng 51 taon ni Villanueva sa samahan ng komunistang-terorista, naging ‘wanted’ ito sa ‘multiple murder’, double frustrated murder, panununog o arson, robbery na may pananakot at rebelyon.

Naging mahirap para sa ating Philippine Army na masakote itong si Villanueva, dahil wala man lang litrato ang tropa ng ating pamahalaan sa wanted na NPA lider. Ngunit ang pabuya na P5 milyong piso na inialok ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa sinoman makakapagturo sa lider ng mga rebelde ang naghulog sa kanya.

Mga tipster ng militar ang nakapagturo kay Villanueva kaya siya napaslang sa enkwentrong iyon.

Sa tuwa ng Pangulong Rodrigo Roa Duterte, dinagdagan pa nito ng P2 milyong piso ang pabuya.

Sabi nga ni Eastmincom commander, Lt. Gen. Greg Almerol ang pagkakapatay kay Villanueva alias “Bok” ay malaking dagok sa hanay ng mga komunistang-terorista dahil gugugol ito ng panahon para makakuha ng pamalit sa napatay nilang lider.

Congratulation sa iyo sir at sa buong tropa ng Eastmincom! Siyempre kasama na sa aking pagsaludo ang Philippine Army 10th Infantry Division Commander Ernesto Torres. Kudos sa inyo mga sir.

Sa inyong pagkakawalay sa inyong mga pamilya sa gitna ng pagdiriwang ng sambayanan sa kapaskukan at bagong taon, di ninyo inalintana ang lungkot at panglulumbay, bagkus ay sinuklian niyo pa ng napakalaking regalo para sa bayan, nang inyong pagkaka-tuldok sa pamumuno ni Villanueva sa mga komunistang-terorista. Mabuhay ang Eastmincom! Mabuhay ang Philippine Army! Mabuhay ang AFP!

Leave A Reply

Your email address will not be published.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More