Advertisers

Advertisers

Covid update: 28,471 bagong kaso; 34,892 gumaling; 34 nasawi

0 204

Advertisers

INIULAT ng Department of Health (DOH) na nakapagtala pa sila ng panibagong 28,471 bagong kaso ng COVID-19 sa bansa nitong Martes, Enero 18.

Batay sa case bulletin #675 na inisyu ng DOH, nabatid na umaabot na ngayon sa 3,270,758 ang kabuuang bilang ng COVID-19 cases sa Pilipinas.

Sa naturang bilang, 8.7% pa o 284,458 ang aktibong kaso o nagpapagaling pa mula sa karamdaman, kabilang dito ang 270,784 mild cases; 8,930 asymptomatic; 2,957 moderate cases; 1,484 severe cases; at 303 critical cases.



Nakapagtala rin naman ang DOH ng 34,892 bagong gumaling sa sakit.

Sa ngayon, umaabot na sa 2,933,338 ang total COVID-19 recoveries sa bansa o 89.7% ng total cases.



Nasa 34 naman ang iniulat na namatay sa karamdaman, sanhi upang makapagtala na ang Pilipinas ng 52,962 total COVID-19 deaths o 1.62% ng total cases. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden/Jonah Mallari)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">