Advertisers

Advertisers

Dennis Uy kumikita ng P48M-P56M kada araw mula Malampaya ayon kay Atty. Alex Lacson

0 180

Advertisers

IBINAHAGI ni senatorial aspirant Atty. Alex Lacson na kumikita ng P48M hanggang P56M ang business tycoon na si Dennis Uy mula sa Malampaya Gas Field.

Sinabi ni Lacson dahil may pondo raw dapat ang gobyerno para sa mga sinalanta ng bagyong Odette at bilang ayuda sana sa mga apektado ng COVID-19 pandemic.

Pero imbes na sa gobyerno napupunta ang ganito kalaking halaga, sinabi ni Lacson na napupunta lang ito sa nasabing negosyante.



Nananawagan din si Kapatiran party at tropang Leni-Kiko senatorial candidate, Atty. Alex Lacson, na dapat ay tingnan ng senado ang umano’y 48-56 million pesos na kinikita kada araw ni Dennis Uy at kanyang Udenna Corporation mula sa Malampaya gas field.

Ayon kay Lacson, nag-iimbestiga aniya mga ito sa pagbenta ng Chevron ng 45% participating interest ng contractor’s portion ng malampaya kay Dennis Uy at Udenna Corporation nito sa halagang 565 million dollars noong Marso, 2020.



Dagdag ng senatorial bet na dahil natural na yaman ng bansa ang malampaya gas field ay marapat lamang na taong bayan ang makinabang dito at hindi dumiretso sa bulsa ng mga indibidwal na negosyante at mga dayuhang mangangalakal.

Dapat umanong mapunta ang pera sa gobyerno upang magamit ang pondo para sa bagyong Odette victims, mga nangangailangan ng ayuda dahil sa covid, at para sa proteksyon ng mga health workers.



Nabatid na si Alex Lacson ay matagal nang kumakatawan sa kampanya sa mabuting pamamahala ng administrasyon upang makatulong sa pagkamit ng kanilang mga layunin sa pag-unlad at mga programa sa pagbabago.

Samantala, ang naturang alegasyon ni lacson ay base sa ulat sa Commission on Audit (COA) na nakakuha ang Chevron ng average na 20.47 billion pesos kada taon mula 2018 hanggang 2020.

Subaybayan natin!

***

Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon mag-email lang sa balyador69@gmail.com.
Ugaliing makinig sa programang “BALYADOR” at “WALANG PERSONALAN TRABAHO LANG” mula lunes hanggang linggo 11:00am-12:00noon sa RADYO NG MASA entertainment net radio. tuwing sabado at linggo 12:00nn-12:30pm sa DWBL 1242 kHz am band, tuwing martes 9:30am RADYO NATIN 105.3 FM Pinamalayan,10:00am RADYO NATIN 102.9 FM Victoria, tuwing biyernes 9;00-10;00am 98.9 FM RADYO NATIN Roxas at tuwing huwebes 9:00-10:00am sa 96.9 FM RADYO NATIN Calapan City. Mapapanood live streaming at Youtube chanel.