Advertisers
Patay sa pamamaril ang isang DepEd District Supervisor sa bahagi ng Brgy. San Pablo, Tacurong City, Sultan Kudarat nitong Lunes ng gabi.
Kinilala ang biktima bilang si Javier Kumandi Sr., 55 anyos, at schools district supervisor sa Pandag, Maguindanao. At sugatan ang misis nitong si Jeannie Kumandi, 52.
Ayon sa ulat, minamaneho ni Kumandi ang kanyang itim na Toyota Innova pauwi ng kanilang tahanan 7:00 ng gabi nang paulanan ang kanyang sasakyan ng bala mula sa mga salarin na nakasakay sa motorsiklo.
Sa report, nasa 30 metro lang ang layo mula sa tahanan nina Kumandi sa Purok Katilingban, Barangay San Pablo, Tacurong city.
Dead on arrival sa pagamutan ang supervisor habang sugatan naman ang misis nito na ligtas na ngayon.
Nagtrabaho rin ang biktima sa Bangsamoro Region in Muslim Mindanao (BARMM) Ministry of Basic, Higher and Technical Education (MBHTE).
Samantala, patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng pulisya sa nasabing pamamaril sa mag-asawa.