Advertisers
MARIING itinanggi ng Malacañang ang alegasyong palihim na nakalalabas ng kulungan si dating House Speaker Martin Romualdez habang pinapatay umano ang mga ilaw upang hindi ito makunan ng CCTV.
Pahayag ni Palace Press Officer Claire Castro, walang naitalang pagkawala ng kuryente o aberya sa CCTV ng Quezon City Jail Male Dormitory sa nakalipas na isang buwan, batay sa ulat ng Bureau of Jail Management and Penology o BJMP.
Wala rin umanong rekord ng paglabas ni Romualdez sa pasilidad, maliban sa pagdalo nito sa pagdinig sa Sandiganbayan noong Oktubre 12.
Hinamon naman ni Castro ang mga nagpapakalat ng alegasyon na personal na suriin ang CCTV footage ng kulungan upang makita kung may naganap na iregularidad.
Kinuwestiyon din ng Palasyo ang pagpapakalat ng mga impormasyong anila’y walang sapat na batayan at nakasisira sa kredibilidad ng mga ahensiyang nagpapatupad ng batas. (Vanz Fernandez)