Advertisers

Advertisers

Panghaharass sa Maynila, umpisa na

0 424

Advertisers

UMPISA na ang panghaharass ng kampo ni outgong Vice Mayor Honey Lacuna sa mga hindi nila “kakampi” sa politika.

Nanggigipit, nanakot at nagbabanta na daw ang kampo ng dermatolohista turn politician sa mga grupo at indibidwal na hindi susuporta sa kanila at susuporta naman sa katungali niyang si Atty. Alex Lopez.

Grabe ka naman Vice Mayor Simang!



***

SA mga kawani’t empleado pa lamang, pilit na ipinasusuot ang white polo shirt na may “God’s First” sign print.



Kahit nasusuka sila sa pagsusuot nito, wala silang magawa dahil kailangan daw kahit alam nila hindi naman ito official uniform ng city hall.

Simple campaign-style ha?!



***

PANGALAWA, ang mga barangay officials, 896 barangay ito sa Maynila, binalaan na na huwag maging partisan sa politika.

Kaya pati mga campaign materials gaya ng poster/streamers mula sa kalaban si Atty. Lopez ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP) ay nag-aalangan sila magpakabit sa kanilang barangay.

Mayayari daw ang IRA nila, ilalabas ngayong Pebrero!

***

ANG IRA o ang Internal Revenue Allotment ay mayroon bahagi ang bawat barangay mula sa pondo ng nasyonal.

Milyon din ito mga katoto, kaya wala talagang magawa ang mga brgy officials, kahit naasar na sila sa pagmumukha nila Vice Mayor Simang at Yul “ngiting aso” Nieto sunod muna sila sa order ng mga city hall officials.

Ganyan sila kagarapal!

ANG PAGBABANTA NI ISKORAP

KATUNAYAN sa isang pagtitipon sa Leveriza Street sa Plaza Asuncion nitong Lunes, binantaan ni Isko ang mga brgy officials na kapag sila ay “naligaw” pa sa ibang kandidato, hihilingin daw nya ang “ulo” ng mga ito sa kanilang mga constituents.

Grabe naman, hindi parehas lumaro sa politika, makikita mo ang pagiging manipulator at diktador nila sa mga brgy officials.

Paano pa kaya kung maluklok na ito sa mataas na posisyon?!

***

BINABANTAAN rin ang hanay ng mga vendors/establisimento na susuporta o maglalagay ng streamers/posters sa kanilang tindahan.

Palalayasin daw sila sa kinalalagyan nilang puwesto kapag may nakita silang campaign materials ng kalaban ni Vice Mayor Simang!

Pinapipili sila: magtinda o alis ka dyan?!

***

RAMDAM na ramdam ito sa buong Lungsod ng Maynila, dahil halos mga posters/streamers nila Isko-Ong at Honey-Yul ang nakikita sa bawa’t sulok ng kalsada pati na sa kubeta.

Maging mga campaign materials nila BBM-Sara, pinagtatangal din, ayaw nila may iba makita poster sa Lungsod.

Ganyan sila kasakim!

***

SA totoo lang, kung magsasagawa ng mock election, sa city hall pa lamang ay mayorya sa mga empleado ang ayaw na ayaw kay Vice Mayor Simang (as in simangot).

Hindi nila gusto ang kustombre at style ng pamamalakad nito na ginagawang family corporation ang city hall.

Kaya naman iisa ang kanilang sigaw: Kay Lopez Ako!