Advertisers

Advertisers

Ayuda ng Tinapayan Festival sa media at mga kandidato

0 2,375

Advertisers

SALUDO ang ARYA sa mga may pusong mapagmalasakit sa panahon ng iba’t ibang kalamidad kabilang na ang dinaranas na pandemya ngayon.., tulad sa pangasiwaan ng TINAPAYAN FESTIVAL na nagbibigay ayuda sa mga nasa hanay ng propesyong MEDIA gayundin sa ilang mga politiko.

Ang TINAPAYAN FESTIVAL na nasa DAPITAN ST., SAMPALOC, MANILA ay ipinundar ng BATANGEÑONG si Ka LUCITO “KA CITO” CHAVEZ at pinagdadausan ito ng BALITAAN SA MAYNILA, na ang mga host ay ang 2 VETERAN JOURNALISTS na sina ANGELO ALMONTE at DAVE VERIDIANO; dinadaluhan ito ng iba’t ibang reporters noong bago magkaroon ng LOCKDOWN dahil sa COVID-19 PANDEMIC. Tuwing Linggo ng umaga ang MEDIA FORUM na ang mga GUEST ay mga GOVERNMENT OFFICIALS at iba’t ibang mga personalidad mula sa mga PRIVATE SECTOR.

Simula ng pandemya ay wala na ring FACE TO FACE MEDIA FORUM at VIRTUAL ZOOM MEDIA FORUM na o WORK AT HOME na rin ang karamihan sa mga reporter.., na marami sa mga MEDIA PERSONALITIES ang kapos din sa kabuhayan; kaya malaking katulungan ang pagbibigay ayuda ni KA CITO katuwang ang kaniyang UST GRADUATE na anak na si POTENCIANO CLARITO CADACIO CHAVEZ o kung tawagin namin ay si POTPOT CHAVEZ, na mga gawa nilang tinapay ang ibinibigay sa mga kasamahang MEDIA PERSONALITIES.



Sa pagiging mapagmalasakit ng mag-ama na sina KA CITO at POTPOT na taal ng CUENCA, BATANGAS ay isang kababayan din nila ang may gayong pusong mapagmalasakit na sasabak sa POLITICS upang higit na maibahagi ang kaalaman nito bilang isang KONSEHALANG DOKTOR sa kanilang bayan.

Ang tinutukoy natin ay ang GUEST nitong nakaraang Linggo sa BALITAAN SA MAYNILA VIRTUAL MEDIA FORUM na si
DR. GRACE LUNAR-MANALO , OB GYNE ng CUENCA. Ipinunto nito na marami ang nalilito ngayon sa isyu ng QUARANTINE at ISOLATION sa ginagawang pagsupil ng COVID-19 VIRUS .

“One has to be quarantined when he has been exposed to people with symptoms. “Ang isolation, hindi pwede gumalaw sa house, isang room lang. Ang quarantine, pwedeng gumalaw sa house pero hindi pwedeng lumabas ng bahay. Those who had been exposed without symptoms but not fully vaccinated should be quarantined and those with symptoms have to be isolated to avoid encounter,” pahayag ni DR. MANALO na isa ring JUNIOR MEMBER ng PHILIPPINE OBSTETRIC AND GYNECOLOGY SOCIETY at kabilang din ito sa INTERNATIONAL ACADEMY OF MEDICAL SPECIALISTS.

Bilang isang OB GYNE ay ipinapayo nito sa mga magulang ngayong panahon ng pandemya na ingatan ang kanilang mga anak dahil sa mga pangkaraniwang ubo at sipon na maaaring ikahawa ng mga ito at ikahina ng kanilang immune system.

“Let us make our children laugh more to increase their immune system.” pagpupunto ni DR. MANALO.

Ang naturang DOCTOR na kumakandidatong COUNCILOR sa bayan ng CUENCA at kababayan ni KA CITO.., ay inilarawan nito na ang DOCTOR ay dapat na masipag at may pusong mahabagin.., gayundin ay dapat na may kaalaman kung paano solusyunan ang pandemya. Marami umanong mga DOCTOR ang kumakandidato na hindi ang POSITION ang kanilang habol, kundi ang sinserong pagseserbisyo lalo ngayong panahon ng pandemya.



“I just really want to help my town. They want health care to be helped. No political color here,” paglilinaw ni DR. MANALO!

***

Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext lamang sa 09085841303 para sa inyo pong mga panig.

Leave A Reply

Your email address will not be published.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More