Advertisers

Advertisers

Tagumpay ng Women in Sports Program… ANG SARAP NG PAKIRAMDAM! – KIRAM

0 337

Advertisers

MASAYANG – MASAYA at itinuturing na legasiya ni Philippine Sports Commission (PSC) Commissioner Celia Kiram ang naging tagumpay ng kababaihang atleta ng bansa na nasa kanyang timon at termino sa ilalim ng Duterte administration.

Sa kanyang pagbisita sa buwenamanong Tabloids Organization in Philippine Sports( TOPS) Usapang Sports On Air kamakalawa, ipinagmalaki ng lady commissioner ang handog na karangalan para sa bansa ng national women athletes tampok ang makasaysayang Olympic gold medal na nakopo ni women weightlifter Hidilyn Diaz at ang maningning na silver ni lady boxer ni lady boxer Nesty Petecio noong nakaraang taong Tokyo Olympics.

Apat na gintong medalya rin ang naisalba ng Filipina athletes noong 2018 Jakarta Asian Games.



Namayagpag naman ang mga atletang Pinay na nakatulong sa kampeonato pangkalahatan ng bansa noong 30th Southeast Asian Games Philippines 2019.

“ We acknowledge our national women athletes ,trainers and coaches who demonstrated sports excellence and elevated the standards of Philippine sports. Masaya ako dahil sa kabuuan ng aming termino sa liderato ni chairman William Ramirez ay marami tayong nagawa para sa pagsulong ng ating larangan mula grassroot hanggang elite kung saan ay napakalaki ng naibahagi ng ating kababaihan at mula rin sa produkto ng ating programang Women in Sports ,” pahayag ni Comm.Kiram sa talakayang suportado ng PSC,GAB at Pagcor.” Marami pa tayong inobasyon sa ating programa kundi lang sana tayo inabot ng pandemya ay higit pa ang ating maisusulong hanggang sa nalalabing panahon ng ating termino .I hope na maipagpatuloy itong programa ng mga susunod na mamumuno dito sa ahensiyang pampalakasan ng ating pamahalaan”.

Nagpaabot din ng pasasalamat si Kiram sa binubuo ng Board na kanyang kinabibilangan na katuwang niya sa mga makabuluhang proyekto para sa bansa sa timon ni Chairman Ramirez, Commissioners Ramon Fernandez, Charles Maxey at Arnold Agustin gayundin sa rank and files ng Philippine Sports Commission.

Tiniyak ni Kiram ang patuloy na pagtuklas ng mga potensiyal na atleta hanggang kanayunan ,ang pagkilala sa mga natatanging Pinay athletes sa pamamagitan ng Gintong Gawad Award( GIGA) at ang pagpapatuloy ng pangkomunidad na proyektong Zumbarangay sa buong kapuluan.

Sa ngalan ni Chairman Ramirez ay nanumpa naman sa tungkulin kay Comm. Kiram ang mga bagong hanay ng opisyales ng TOPS sa pamumuno ni presidente Beth Repizo- Marana ng Pilipino Star Ngayon.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">