Advertisers

Advertisers

4 mag-aamang wanted sa murder, tiklo

0 361

Advertisers

Nasakote ng mga operatiba ng pulisya ang apat na miyembro ng isang pamilya na wanted sa kasong murder at frustrated murder sa isinagawang magkakahiwalay na operasyon sa lalawigan ng Masbate matapos ang limang taong pagtatago sa batas ng mga ito.

Kinilala ang mga naaresto na sina Elesor Gamgam, 59; mga anak na sina Jomar Gamgam, 21, estudyante; Eleser Gamgam, 36; pawang nasakote sa Sitio Canomay, Brgy. Tagpu, Mandaon, Masbate 9:30 ng umaga noong Huwebes.

Ang ikaapat na salarin na si Jovert Gamgam, naaresto 5:00 ng hapon nitong Biyernes sa Brgy. Maolingan, Mandaon ng nasabing lalawigan.



Sa report ni Police Regional Office (PRO) V director P/Brig. Gen. Jonnel Estomo, ang mag-aama nasakote ng 1st Masbate Provincial Mobile Force Company (PMFC) at tracker team ng Masbate Provincial Police Office (PPO) kaugnay ng kasong murder na walang nakalaang piyansa at frustrated murder na may P200,000 piyansa base sa inisyung warrant of arrest ni Presiding Judge Flor Tambago-Logarta ng Regional Trial Court (RTC) Branch 44, 5th Judicial Region ng Masbate City.

Sa rekord ng pulisya, sangkot ang mag-aama sa pagpatay at sa bigo pang pamamaslang sa kanilang kapitbahay kung saan matapos ang krimen nagtago sa batas sa loob ng limang taon hanggang sa masakote.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">