Advertisers

Advertisers

Bangkay ng Pulis-Bacolod ibinasura sa daan

0 114

Advertisers

BACOLOD CITY – Ipinag-utos na ng pamunuan ng Philippine National Police ang malalimang imbestigasyon kaugnay sa pagpatay sa isang pulis na nakatalaga sa Bacolod kung saan iniwan ang bangkay nito sa bayan ng Hinigaran sa lalawigan ng Negros Occidental.

Natagpuan ang bangkay ni Police Corporal Nestor Madelo sa tabi ng daan sa Bangga Acas, Barangay Pilar, Hinigaran, Lunes ng umaga.

Sa ulat, may sugat ai Madelo sa kaliwang bahagi ng mukha at ibang bahagi ng katawan na pinaniniwalaang mula sa tama ng bala.



Batay sa imbestigasyon ng Hinigaran Municipal Police Station, nagmula si Madelo sa bahay ng kanyang mga magulang sa Bantayan, Bago City nitong Sabado ng gabi kasama ang force multiplier ng Barangay Granada na si Constantino Canoy.

Ngunit pagdating ng mga ito sa Barangay Sum-ag, nakasalubong ito ng aksidente kung saan nabangga ng kanyang carry ang isang truck nguni’t hindi nalaman ng mga pulis.

Ayon sa mga nakasaksi, nag-U turn ang carry papuntang southern Negros at Lunes ng umaga, natagpuan nalang ang bangkay ni Madelo sa bayan ng Hinigaran.

Umuwi naman sa Barangay Granada ang kasama nitong si Canoy nguni’t sumuko ito sa mga pulis nito rin Lunes.

Sa ngayon, itinuturing ng mga pulis na person of interest ang force multiplier ngunit hindi pa rin malinaw kung paano pinatay si Police Corporal Madelo dahil itinanggi rin ni Canoy na siya ang may kagagawan nito.

Sa report, nakatalaga si Madelo sa Bacolod Police Station 5 nguni’t off duty ito nang mangyari ang insidente.



Ayon kay PNP spokesperson Brigadier General Roderick Augustus Alba, inabisuhan na nito ang Police Regional Office 6 na imbestigahan ng mabuti ang krimen kasabay ng pagpapaabot ng simpatya sa pamilya ng pinatay na pulis.

Leave A Reply

Your email address will not be published.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More