Advertisers

Advertisers

Obiena umatras sa PSC mediation

0 418

Advertisers

UMATRAS ang Pinoy pole vaulter EJ Obiena sa alok ng Philippine Sports Commission (PSC) na pakikipag-ayos sa Philippine Athletics and Track and Field Association (PATAFA).

Sa kaniyang social media, pinasalamatan ni Obiena si PSC Chairman Butch Ramirez na siyang tumayong maging tagapag-ayos.

Naniniwala ito na ang pakikipag-ayos ay isang paraan para maayos at naniniwala ito sa integridad ni Ramirez.



Dagdag pa nito na tila ginagamit ng PATAFA ang pag-aayos para patahimikin siya.
Iginiit nito na dahil sa mga akusasyon sa kaniya ng PATAFA ay nawala na ito ng tiwala sa nasabing asosasyon.

Magugunitang inakusahan ng PATAFA si Obiena na nameke ng mga pirma ng kanyang liquidation sa mga dokumento ng pasahod sa kaniyang dayuhan na coach.