Advertisers
OPISYAL na simula na ng Ligang Pang-panguluhan sa ika- 8 ng Pebrero, 2022. Tila tunay na torneo na may opening at finals.
Yan ang tinakda ng batas na pinatutupad naman ng Commission on Elections. Diyan kampanyahan na nang todo-todo.
Sampu ang mga magtutunggaling mga presidential aspirant para sa pinakamataas na posisyon. Mga pangalan nila maiimprenta sa balota. Pero posible pang mabawasan yan ng COMELEC at ang final na desisyon ay nasa Korte Suprema naman.
Ang mga kasali ay sina Ernesto Abella, former presidential spokesman, Leody de Guzman, labor leader, Manila Mayor Isko Moreno Domagoso, Norberto Gonzales, former defense chief, Senator Ping Lacson, Faisal Mangondato, Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., former senator, Jose Montemayor Jr., Senator Manny Pacquiao at Vice President Leni Robredo.
Yan ay ayon sa kanilang mga pagkasunod-sunod sa balota. Bale apat na row. Tatlo na tatluhan at isang solo.
May mga kakampi silang bigatin at pipitsugin. Ang iba sa halalang ito ay ang sharing ng mga senatorial line-up.
Kaya may senatoriable na 2 o 3 pa ang kinabibilangan pangkat. Pwedeng matunog sila o marami silang pondo.
Yung mga lumalabas na survey ngayon parang practice game lang upang malaman ang lakas at kahinaan ng bawa’t isa.
Yun naman mga panayam ng malalaking media company ay para makilala ng taong-bayan kanino dapat pumanig at mag-cheer.
May mga mapili sa mga friendly match o mga television interview dahil posibleng naduduwag, hindi pa handa o may tinatago.
Ganoon din sa mga kandidato na marahil ayaw pabisto o nagkukubli ng alas na sa dulo isisiwalat.
Sana lang maging mapanuri ating mga botante ngayon. Huwag nang paloko muli sa 3 to 6 months na pangako o iba pang matatamis na salita. Ang ilan diyan talagang sanay na mambudol-budol.
Kailangan tingnan ang track record. Hindi lang haba sa puwesto kundi kalidad ng pagseserbisyo.
Yung mga analyst naman huwag basta paniwalaan. Dapat may sariling pananaliksik o pagtatanong.
Tapos humingi tayo ng guidance sa ating Panginoon hinggil sa ating choice. Tatlong buwan pa naman para gawin ang pag-aaral at pagdarasal. Kawaan tayo ng Diyos.
***
Nakabalik na nga si Anthony Davis noong Miyerkules nguni’t si LeBron James naman nagka-injury noong Biyernes.
May knee soreness daw si King James kaya naiwan ang scoring chore kay AD.
May absent din sa 76ers pero nadaig pa rin sila nina Joel Embid.
Ngayong araw may laban naman kontra Hornets. Back to back at out of town pa.
Tingnan natin kung makalaro na si James at kung talunin nila ang Charlotte para makabalik sa .500 mark.