Advertisers
Nang nakilala natin si Patrick “Pato” Gregorio, ang bagong Tagapangulo ng Philippine Sports Commission (PSC), ay nasa kanya na mga katangian ng isang mahusay na lider sa mundo ng palakasan.
Maraming alam, magaling makisama at parehas sa mga katrabaho.
Matagal na siyang kanang kamay ni Manny Pangilinan sa larangang ito na tinutulungan ng mayamang negosyante.
Ang utol ni Coach Ryan Gregorio ay Pangulo ng Phil Rowing Association at tagapamahala ng isang events management company pati ng korporasyon na nasa likod ng Camp John Hay.
Dati naging Governor siya ng TNT at Chairman ng PBA. Nagsilbi rin siyang Executive Director ng Samahan ng Basketbol ng Pilipinas.
Bale siya na ikatlong PSC Chairman sa ilalim ng administrasyon ni BBM.
Nauna si Noli Eala at sumunod si Dickie Bachman.
Malaking hamon ang tungkuling ito kay Pato. Kailangan niya ng tulong ng mga stakeholder sa sports. Pero ang malaking bentahe niya ay ang malawak na karanasan at pagiging malapit sa mga sports patron. Good luck!
***
Grabe ang ipinakikita ni Alex Eala sa tennis world. Pataas ng pataas ang world ranking ng 20 anos na dalaga. Kahit natalo siya sa Finals ng huling torneong sinalihan ay inaasahan na mag-iimprove pa sa laro. Numero 56 na ang Pinay sensation now.Mabuhay ka Alex E!
***
Kahapon espesyal na bisita namin ni Lito Cinco si Steven Virata ng Equestrian Association of the Philippines sa OKS@DWBL. Ayon sa kanya ay excited sila sa mga nagaganap sa NSA ng kanilang sport. Ang mga kwento at detalye sa pitak natin sa Sabado.
***
Ayon sa isang retiradong heneral ay 1987 pa nang nakakasabay na niya ang yumaong Benigno Simeon Aquino sa firing range sa Fort Bonifacio.
Mababa pa ranggo ng ating source nang naging magkaibigan sila ng 15th na presidente ng bansa.
Talaga raw mahilig si PNoy sa baril at pinagbubuti ang bawa’t punta sa target shooting area.
Nang maging pangulo ay pumuputok pa rin silang dalawa nguni’t sa PSG Compound na sa loob ng Malacanang.
Nitong nakaraang Martes ay ginunita natin ang ikaapat na anibersaryo ng pagkamatay ng unico hijo nina Ninoy at Cory.