Advertisers
NAGBIGAY ng mensahe si Philippine National Police (PNP) Chief, General Nicolas Torre, sa isyung sangkot ang ilang pulis sa pagkamatay ng mga nawawalang sabungero.
Sa kaniyang press briefing nitong Lunes, Hunyo 30, 2025, isang maikling mensahe ang isinagot ni Torre nang tanungin kung ano ang kaniyang masasabi kung sakaling totoong sangkot ang mga pulis sa nasabing isyu.
“We’ll ensure that the rights of everyone is protected,” ani Torre.
Kamakailan lang ay ibinunyag ng nagpakilalang whistleblower na si alyas “Totoy” na ilang miyembro ng PNP ang sangkot sa pagdukot at pagpatay sa mga nawawalang sabungerong itinapon aniya sa Taal Lake sa Batangas.
Iginiit din ni Torre na ipinauubaya na nila sa National Police Commission (NAPOLCOM) ang imbestigasyon sa kanilang hanay, bagama’t nakahanda pa rin silang makipagtulungan tungkol sa nasabing isyu.
“We will provide them with whatever information or support or manpower that they will require from us,” anang PNP Chief.