ARRAIGNMENT NI TEVES, INILIBAN
Advertisers
INILIBAN ng Manila Regional Trial Court Branch 12 ang pagbasa ng sakdal laban kay dating Negros Oriental 3rd District Rep. Arnolfo Teves, Jr., kaugnay sa kasong murder na isinampa ng kaanak ni dating Negros Oriental Governor Roel Degamo at 10 iba pa noong 2023.
Kaugnay ito ng paghahain ng mosyon noong Biyernes ni Teves sa pamamagitan ng kanyang legal counsel na si Atty. Ferdinand Topacio, dahil sa pananatili sa ospital ng kanyang kliyente na nakararanas pa rin umano ng ‘pain’ matapos sumailalim sa appendectomy o operasyon sa appendix.
Muling itinakda ni Judge Renato Enciso sa Hulyo 14, ganap na alas-8:30 ng umaga ang arraignment at pre-trial ni Teves.
Bago naospital si Teves, nauna nang humarap sa Branch 12 ang dating Kongresista dahil sa hiwalay na kasong illegal possession of explosives and firearms.