Advertisers
SINIBAK ni Philippine National Police (PNP) Chief, General Nicolas Torre III, ang hepe ng pulisya ng isang lungsod sa Rizal na inilarawan niyang tamad sa paghawak sa isang kaso ng pagnanakaw.
Ito ang inanunsyo ni Torre kasabay ng flag-raising ceremony sa Camp Crame nitong Lunes, Hunyo 30.
“Over the weekend, I relieved one chief of police in a city in Rizal because of the lazy handling by their personnel,” aniya.
Ayon kay Torre, nakatanggap siya ng impormasyon na pinauwi lang ng city police ang isang negosyante nang magsumbong na dalawa sa kanyang mga empleyado ang bigla na lamang nawala kasama ang mga nawawalang halaga ng salapi.
Dagdag pa, sinabi lang umano ng mga awtoridad na ihahanda na lamang nilang ihain ang kaso sa korte.
“That night, someone who knew me saw that. They texted me that report. I called the PD. ‘PD, this appears to be lazy on the part of our personnel. Are we settling for this? The police’s work is done just because we’ve already sent it for filing of cases,” dagdag pa ng opisyal.
Ayon kay Torre, kasunod ng pakikipag-ugnayan sa kanila, naaresto ng pulisya sa isang probinsya sa Negros Island Region ang dalawang suspek at narekober ang P500,000 halaga ng nawawalang pera.
Hindi na nagbigay pa ng karagdagang impormasyon si Torre sa pagkakakilanlan ng police chief, businessman at ng dalawang empleyado maging ang kabuuan ng insidente.