Advertisers

Advertisers

MOLECULAR LAB SA SOUTHERN LEYTE PINURI NI SEN. GO

0 78

Advertisers

Pinapurihan ni Senator Christopher “Bong” Go ang local government ng Southern Leyte nitong nakaraang January 24 sa naging matagumpay na inagurasyon ng Salvacion Oppus Yñiguez Memorial Provincial Hospital (SOYMPH) Molecular Laboratory sa Maasin City.

Si Go na siyang Chair of the Senate Committee on Health and Demography ay nagpahayag ng kaniyang kumpiyansa na ang pagbubukas ng kauna-unahang provincial hospital na nakapagpagawa ng molecular laboratory sa Eastern Visayas region ay magiging katulungan sa mabilis na pagsasagawa ng COVID-19 testing sa kanilang komunidad.

“I am truly glad to join you today to witness the inauguration and blessing of the new molecular laboratory here at Salvacion Oppus Yñiguez Memorial Provincial Hospital,” pahayag ni Go sa kaniyang video message.



“The Molecular Laboratory will surely help in decongesting the current state of our testing centers and laboratories in the entire Region 8 and will serve as a form of force multiplier as we continue to fight the COVID-19 virus,” dagdag pa ni Go.

Ang pasilidad ang magsasagawa ng daan-daang molecular diagnostic tests kada-araw para malaman ang mga active infection sa COVID-19 sa pamamagitan ng reverse transcription polymerase chain reaction (RT-PCR) test.
Karaniwang kinukuha sa pamamagitan ng swabbing sa ilong o sa lalamunan ng pasyente, na ang RT-PCR test ay ikinokonsiderang most accurate method sa pag-diagnose ng COVID-19 virus sa mga infected individuals.

Maliban sa pagproseso ng COVID-19 tests, ang molecular laboratory ay may kapabilidad ding magsagawa ng iba pang medical testd tulad ng tuberculosis, human immunodeficiency virus (HIV), at dengue.

Samantala, tinuran ni Sen. Go ang mga hamon na kinakaharap ng health care workers sa komunidad at nangako ito ng pagsuporta sa mga government initiative na magbebenipisyo ang medical frontliners lalo na sa public health emergencies.

“I would like to take a moment to express my deepest gratitude towards our dearest frontliners,” pahayag ni Go.

“Two years have gone by since the pandemic began, and as we face another year, let me thank you for taking care of our people throughout this difficult time. The entire nation is truly grateful for your hard work and service,” saad pa ni Go.



Bilang pagsasaalang-alang sa mga balakid na kinakaharap ng health care workers sa panahon ng pandemya ay inakdaan at co-sponsored ni Go ang Senate Bill No. 2421 na magkakaloob sa health workers ng fixed
monthly COVID-19 Risk Allowance for the duration of the current State of Emergency in lieu of the special risk allowance at iba pang financial compensation sa ilalim ng batas Bayanihan 2.

Ang mga karapatdapat sa benepisyo ay kabilang na ngayon ang lahat ng healthcare workers at iba pang kinakailangang personnel assigned sa health facilities.

Samantala, isinusulong ni Go ang kabuuang PhP 51 billion para sa 2022 budget na higit magbebenipisyo ang COVID-19 HCWs. Gayunman ay iginiit ni Go na ang mga health official at government finance managers ay kailangang ipagpatuloy ang pagganap para sa tiyak na funding sources.

Sa pagtatapos ng mensahe ay nangako si Go na kasama si President Rodrigo Duterte ay ipagpapatuloy nila ang pagkakaloob sa ikasusulong ng nation’s health care system sa pagsasabing, “Nananatiling buo po ang suporta namin ni Pangulong Rodrigo Duterte sa inyo at sa lahat ng ating mga frontliners at mga healthcare workers. Ipagpatuloy lang po ninyo ang inyong serbisyo para sa ating bayan.”

Kaugnay sa advocacy ni Go na ma-improve ang kalidad ng country’s health care services, ay naghain ng 2 bill si Senator Go na naglalayong mapalakas ang country’s response sa banta ng infectious disease.

Isa sa mga measure nito ay ang Senate Bill No. 2158 na mag-iistablisa sa Philippine Center for Disease Control and Prevention (CDC) — ang lead agency for developing communicable disease control at prevention initiatives. Magtutuon din ito sa pagkontrola upang huwag kumalat ang infectious diseases sa ating bansa.

Inihain din nito ang SBN 2155 na naglalayong makalikha ng Virology Science and Technology Institute of the Philippines (VIP). Ang pasilidad ang magiging principal laboratory para sa virology research and laboratory investigations gayundin ay magiging lead technical coordinator ng nationwide network of virology laboratories.

Sakaling maipasa, ang VIP ang magpapapalakas at magtitiyak sa access ng mga bagong bakuna laban sa mga sakit tulad ng COVID-19 at matiyak na ang bansa ay magkakaroon ng sapat na supply ng emergency vaccine doses.

Leave A Reply

Your email address will not be published.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More