Advertisers
ITO ang maraming reaksyon na ating natangap makaraang maging bisita si outgoing Manila Vice Mayor Honey Lacuna sa Lingguhan forum ng Balitaan sa Maynila nitong Enero 30.
Naging ineteresado tayo nang matanong siya ng isang reporter para linawin kung magkano ba talaga ang kanilang inutang sa mga government banking institutions.
P15 bilyon o P25 bilyon?!
***
SUSMARYOSEP, lumabas ang pagiging ‘weak’ o kahinaan ng ulo ni Lacuna pagdating sa legislative agenda, financial transaction, leadership management, at kahit sa GMRC, hindi ba numero uno supladita ito?!
Sabagay, hindi na tayo magtataka, wala naman ito maituturing na track record sa government service, kahit noon pa man mula nang magsimula pumasok sa city hall bilang konsehal at hanggang ngayon na Vice Mayor ng Maynila.
Bad record meron!
***
BALIK tayo sa forum, pinaligoy-ligoy pa ni Lacuna ang sagot sa media, upang hindi ma-float ang totoong malaking pagkakautang na ginawa nila sa kasaysayan hindi lang sa Maynila kundi sa buong bansa ng isang siyudad sa Pilipinas.
Ang sagot ni Lacuna, P4.2B pa lamang daw ang nahihiram nila ni Mayor Isko sa dalawang gov’t banking institutions— ang Landbank at Development Bank of the Philippines (DBP).
Totoo ba ‘yan maritess este vice?!
P25 BILYON ANG UTANG NG MAYNILA
HIMAYIN nga natin mga katoto kung totoo ang pinagsasabi ni lacuna. Heto, anim na buwan pa lamang sila sa puwesto ni Mayor Isko, pumasok sila sa isang memorandum of agreement noong November 11, 2019 sa Landbank para sa isang P10B loan agreement.
Pinagtibay ng city council ang kasunduan sa ilalim ng Ordinance No. 8603, noong December 16, 2019 na pirmado mismo ni Lacuna at inaprubahan din ni Mayor Isko noong Jan. 7, 2020.
P10 bilyon ‘yan ha?!
***
ISANG buwan pa lamang ang pagitan, noong Dec.18, 2019 muli silang pumasok sa isang P5 bilyon Omnibus Term Loan Agreement sa pagkakataon ito, sa Development Bank of the Philippines (DBP) naman sila nangutang.
Muli, niratpikahan ito ng city council bilang Ordinance No. 8655, noong July 20, 2020 at inaprubahan ni Mayor Isko noong July 28, 2020.
P5 bilyon naman ‘yan ha?!
***
NOONG May 21, 2021, muli na naman sila nangutang sa DBP ng P10 bilyon at pinagtibay ito ng city council sa ilalim ng Ordinance No. 8752 nitong June 3, 2021.
Noong petsa din iyon, June 3, 2021, nagkukumahog na binitbit ni Lacuna ang naturang ordinansa sa opisina ni Mayor Isko upang agarang pirmahan.
P10 bilyon ito ha?!
***
KAYA simpleng aritmetik lang mga katoto, kung susumahin —P25 BILLION ang inutang nina Mayor Isko at VM Lacuna sa dalawang gov’t banking institutions sa loob lamang ng dalawang taon at kalahati nila sa puwesto.
Kahit pa sabihin, hindi pa naibibigay lahat ang naturang inutang na pera, ang mga ito ay CONSUMATED AGREEMENT between the two parties, at contractually obligated na sila sa creditor bank, tumatakbo ang utang at interest.
P25B ang utang ng Maynila, yan ang malinaw!
***
MAY tatlong rekisitos bago pumasok sa isang kasunduan — preparation, perfection and consummation.
Ang P25 bilyong utang ay isinailalim pa sa isang batas – Ordinance No. 8603, 8655 at 8752 ng konseho na pinamumunuan pa mismo ni Lacuna. Ngayon kung hindi mahina ang ulo ni Lacuna, ano ang maari itawag sa kanya?
Tandaan n’yo Manileno ang kasabihang: Ang sinungaling ay kapatid ng magnanakaw!
***
(Ang Parating na ang Pagbabago ay lumalabas tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes at mababasa rin sa digital platform ng policefilestonite.net sa anumang puna at mura maari mag-text sa 0932-321-4355)