Advertisers

Advertisers

F2F classes aprub sa DOH sa Alert Level 2

0 164

Advertisers

PINAPAYAGAN na ng Department of Health (DOH) na magsagawa ng face-to-face (F2F) classes sa mga lugar na nasa ilalim ng Alert Level 2.

Pero depende pa rin ito sa pag-uusap ng Department of Education (DepEd) at local government units (LGUs) kung makakapagpatuloy sa F2F classes.

Paliwanag ni Health Usec. Maria Rosario Vergeire, kailangang lamang makipag-usap ang DepEd sa tukoy na LGU upang makapagpatuloy ng kanilang F2F classes.



Dapat aniya andiyan ang LGU commitment para ma-assess din kung tama na magbukas na ng klase sa kanilang lugar.

Inulit din ni Vergeire na may mga kondisyon para makapag-face-to-face classes.



Una, ay ang LGU commitment at LGU approval.

Pangalawa, kung may kakayahan na nga ang eskuwelahan na magsimula ng F2F at kung nakasunod sa standard.



At higit sa lahat ay ang pagbabakuna sa mga kabataan.

Hinikayat ng DOH ang mga magulang at LGU na mabakunahan ang mga kabataan sakaling magtuloy-tuloy na ang pagbaba ng kaso at maipagpatuloy na rin ang pag-aaral ng mga kabataan sa kani-kanilang eskuwelahan. (Jocelyn Domenden)