Advertisers

Advertisers

PRIDE FEST NG LGBTQIA+, NAGING MATAGUMPAY SA PASAY

0 25

Advertisers

DAPAT na ipagmalaki at respetuhin ang samahan ng mga LGBTQIA dahil sa kanilang kahanga-hangang talento na naiaambag sa komunidad.



Ito ang inihayag ng pamahalaang lungsod ng Pasay matapos ang matagumpay na Pride Month ng Rainbow Festival 2026 na ginanap sa Cuneta Astrodome.

Ayon kay Mayor Emi Calixto-Rubiano, nakatutulong ang naturang grupo sa mga isinasagawang charity, ng lokal na pamahalaan at pagpapaganda ng lungsod.



Bukod dito,sinabi ng Alkalde na nag aambag ang LGBTQIA ng kanilang mga talento sa mga isinasagawang konsyerto at ilang activities sa lungsod.

Ang naturang kapistahan ng LGBTQIA+ Community ay mas lalong naging makulay nang magsagawa sila ng isang float parade mula sa Tramo EDSA patungong Cuneta Astrodome para sa Grand Coronation Night ng Miss Gay Pasay, kasunod ang sayawan at awitan ng mga kilalang personalidad. (JOJO SADIWA)