Advertisers

Advertisers

4 Pekeng CIDG huli sa Tondo

0 455

Advertisers

Arestado ang apat na lalaki na nagpanggap na pulis at nais pumasok sa Urban Deca homes sa Velasquez Street Tondo, Maynila.

Ayon kay MPD-PIO Major Philipp Ines, kinilala ang mga suspek na sina Henry Joshua Bancud, 24, negosyante, residente ng 1428-14902 tower 2 Amaya skies Cubao, QC; Elmer Barles, 52; Dexter Villegas, 50; at Benjamin Asuncion, 43, aircon technician at kapwa mga taga Tond , Maynila.

Nauna rito, nagpapatrolya ang mga tauhan ng Smokey Mountain PCP ayon na rin sa direktiba ni MPD PBrig General Leo Francisco nang lapitan sila ng guwardiya na si Raymond Benzal.



Hiniling umano ni Benzal ang tulong ng pulisya dahil sa kahina-hinalang sasakyan na silver Toyota Innova na may plakang EEA4498 na minamaneho ng suspek na si Bancud kasama ang isang motorsiklo na minamaneho naman ni Asuncion.

Nagpakilala umanong mga tauhan ng CIDG ang mga suspek at gustong pumasok sa Urban Deca.



Gayunman, nang hingan ng ID ng CIDG ang mga suspek wala namang maipakita .

Napansin din ng mga operatiba ang isang rifle na may mga magazine at bala sa mga suspek.



Wala ring maipakita ang mga suspek na dokumento ng baril dahilan para arestuhin ang mga ito.(Jocelyn Domenden)