Advertisers
Halos P4,000 salapi ang natagpuang punit at sira na ito nang ngatngatin ng mga daga sa Davao city.
Ibinahagi ng netizen na si Mary Aga sa social media ang video at retrato ng kanyang pera na mayroong punit sa gitna at gilid gawa ng pagngatngat umano ng daga.
Butas din ang pouch na pinaglagyan ng pera.
Aniya, kinita niya ito mula sa kanyang maliit na tindahan at naiwan lamang nang isang gabi sa lamesa.
Ayon naman sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), maaaring isumite sa kanila ang mga sirang salapi at barya na posibleng palitan.
Sabi ng BSP, dapat 60 percent pa ang naiwan sa surface area ng banknotes, at dapat kita pa ang bahagi ng pirma ng pangulo ng bansa o kaya ng BSP governor.
Dapat ding intact o buo pa ang security thread ng salapi.