Advertisers

Advertisers

Wala palang kwenta ang ‘batas’ ni Ferolino

0 371

Advertisers

MATIGAS na sinabi ng mga dating Bureau of Internal Revenue (BIR) commissioners na ang hindi pagbabayad ng buwis ng isang government official ay may parusang perpetual disqualification o hindi na maaring magtrabaho sa anumang posisyon sa gobyerno.

Ito ang binigyang diin nina dating BIR Commissioners Kim Henares at Rene Banez.

Sa panayam ng CNN Philippines kay Henares, sinabi niyang ang rason at decision ni Commission on Election (ComElec) Commissioner Aimee Ferolino na “walang batas o hindi mandatory ang pagpa-file ng Income Tax Return” (ITR) ay hindi katanggap-tanggap sa BIR.



Sabi ng dating BIR Commissioner ni yumaong Pangulo Noynoy Aquino, mayroong batas laban sa hindi pagbabayad ng buwis. Kaya nga raw na-convict si Bongbong Marcos Jr ay dahil sa hindi pagbabayad ng buwis sa loob ng apat na taon (1982-1985).

Kaya nga inapela ni BBM ang kanyang conviction sa Court of Appeals (CA) dahil na-convict siya ng Quezon City RTC. At ang conviction na ito ay hindi inalis ng CA kundi pinababa lang ang kasong tax evasion sa ‘failure of non-filing of ITR. Hindi narin itinuloy ni BBM ang apela sa Korte Suprema kung anong dahilan, ewan!



Sabi pa ni Henares, walang timbang o hindi pakikinggan ng BIR ang basurang rason na ito ni Ferolino kapag ginamit ng ibang may kaso ng tax evasion o ‘di pagbabayad ng buwis. Araguy!!!

Say naman kay ex-BIR Commissioner Banez: “Ilang beses na binanggit ng Korte Suprema na ang pagbabayad ng buwis ay obligasyon na hindi dapat naaantala. Kung ang ordinaryong mamamayan ay obligadong magbayad ng tamang buwis, mas higit ang obligasyong ito ng mga taong nagnanais maging presidente. Kailangan ang presidente ay may moral ascendancy, nagbabayad ng tax. Kung hindi, wala siyang karapatang maging presidente.”



Si Marcos Jr. ay bise gobernador noong 1982-1984 at gobernador noong 1985 ng Ilocos Norte, habang ang ama niyang si yumaong dating Pangulo Ferdinand Marcos ay naka-excile sa Hawaii, USA.

Ayan, repapips… hindi pala ligtas ang hindi tayo magbayad ng buwis o hindi mag-file ng ITR. Pero bakit si BBM exempted yata sa Tax Law? Ang batas na ito ba ay para lang sa mahihirap? Yawa!!!

***

Malakas ang kutob ko na kapag nanalo sa eleksyon sa Mayo 9 si BBM pati ang kanyang Bise Presidente na si Sara Duterte-Carpio ay mayroong magsasampa ng impeachment sa anak ng diktador para mailuklok ang anak ni Digong.

Oo! Mukha ngang lumalapit sa katotohanan ang tsismis ng mga Marites na plano ng DDS na kapag nanalo ang tandem nina BBM at Sara, patatalsikin sa pamamagitan ng disqualification o impeachment si BBM para maluklok si Sara. Puede!

Ito siguro ang dahilan kung bakit itinutulak ngayon ng BBM ang Marcos-Sotto tandem. Dahil hindi raw maganda ang kanilang pakiramdam sa Marcos-Sara duo. Araguy!!!

***

Sa latest survey ng Pulse Asia, landslide si Marcos Jr na mayroong nakuhang 60%, malayo sa pumapangalawang si Leni Robredo (16%), sumunod sina Manny Pacquiao (8%), Isko Moreno (8%), Ping Lacson (4%), ang lima pang presidentiables ay malayo.

Pero kung titingnan sa campaign sorties, landslide ang Robredo. Ano ba talaga ang katotohanan sa surveys?