Advertisers
NANANATILING numero uno sa lahat ng rehiyon dito sa Pilipinas ang Region 3 sa dami ng nagkalat ng iligal na sugal sa nasabing lugar.
No wonder bakit ganyan ang sitwasyon sa nasabing rehiyon kung saan, isa ang lalawigan ng Pampanga sa main contributors ng mga naglipanang operasyon ng “illegal gambling”.
Home province ba naman ito ng isa sa mga pamosong Kingpin ng JUETENG na si alyas DOCE!
And as usual, inutil ang pambansang kapulisan sa lahat ng katarantaduhang ito!
In this particular case, masasabi natin na sadyang inutil ang buong puwersa ng PNP Region 3 na pinamumunuan ni General Matthew Baccay, isa sa mga paboritong heneral at protegee ni PNP chief, General Dionardo Carlos.
Again, no wonder kung bakit dyan sa PNP Region 3 naka-assign itong si Gen. Baccay.
Isa sa pinaka-MAKATAS (juicy) na “position” sa buong institusyon ng pambansang kapulisan!
Alam kaya ni DILG Secretary Eduardo Ano na dyan sa Region 3 bukod sa pamamayagpag ng iligal na sugal ay mistulang haven na rin ang nasabing rehiyon ng mga organized “crime syndicates”?
Sa nasabing lugar naglulungga ang mga gun for hire groups, carjackers,bigtime robbery/hold up gangs at drug traffickers?
Sa maikli ngunit direktang salita, pugad na ng mga criminal elements ang pitong lalawigan ng Region 3.
Andyan din sa nasabing rehiyon ang pamosong magkakapatid na sina BOGS, GOTO at CHOLO na lahat na ata ng uri ng kailigalan ay nakakapit na sa buong pagkatao ng tatlong kupal na ito.
May kapal pa ng mukhang kumandidato para sa elective positions sa lalawigan ng Bulacan pwee!
Itong sina BOGS at GOTO ay kapwa kumakandidato ngayon bilang bise gobernador at mayor samantalang konsehal naman itong si CHOLO d’yan nga sa probinsiya ni Governor Daniel Fernando ng Bulacan .
To name a few sa pinapatakbong sindikato ng magkakapatid na ito ay ang kanilang PAIHI, PASINGAW at BURIKIHAN diyan sa teritoryo nga ni General Matthew.
Aside from these illegal activities na masasabing nasa kategorya ng “economic sabotage” na di pansin o sadyang di pinapansin ng liderato ni General Baccay ang mga naglipanang sugal-lupa gaya ng sakla, tupada, color game, terimbe maging ang palasak na online sabong na kahit sa mga terminal ng jeep at tricycle ay nakahambalang at lantad sa publiko.
Nasa sitwasyon pa rin tayo ng recovery dahil sa pandemya pero parang walang pakialam ang mga operators ng mga sugalan at mga kapulisan dahil nga lantaran ang pagtaya at pustahan ng mga ito.
Abot tanaw na nga lang sa istasyon ng kapulisan ang mga hinayupak pero sige pa rin ang tayaan sa mga saklaan partikular na sa Pampanga.
Mukhang naliligo sa masaganang agos ng “intelihensiya” ang PNP Region 3 command.
Marami palang mga “patabaing baboy” na lespu itong si General Baccay na ang pangunahing nilalamon sa araw-araw ay payola mula sa sugal at ibang pang illegal activities.
Kung hindi kayang suhetuhin ni Baccay ang kanyang masisibang/buwayang pulis dyan sa PNP Region 3 , he might as well be relieved him from his post as regional director!
Anong say n’yo PNP chief Carlos and DILG Sec. Ed Ano mga sirs?
Mahirap itong gawin para kay Gen. Carlos dahil batid sa apat na sulok ng Kampo Crame na itong si BACCAY at “bata-bata” ni Chief PNP hehehe.
Di nga raw magkaugaga sa dami ng bitbit na regalo itong si BACCAY tuwing dumadalaw sa tanggapan ni General Carlos!
Bulong lamang ‘yan sa inyong lingkod sir ng mga opisyal dyan sa Kampo Crame.
Totoo nga rin ba sir Gen. Carlos ang tila identical at kambal na brand new SUV na pareho kayong mayroon ni Gen. Baccay?
Ang siste kasi Gen. Carlos, regalo daw sa inyong dalawa ‘yan ni Gen. Baccay ng isang pamoso, galante at kalbong kingpin ng jueteng d’yan sa Region 3.
Short of saying na kay DOCE at kay alyas DELTA galing ‘yang mga punyetang SUVs n’yong mag-amo!
“Gift from heaven above”!
SANA ALL Gen. Carlos!
May kasunod…
ABANGAN!
***
PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com