Advertisers

Advertisers

‘Kaanak’ ni Maine Mendoza patay sa away sa kalsada

0 464

Advertisers

Patay ang 51 anyos na lalaking malayong kamag-anak ng artistang si Maine Mendoza nang barilin ng driver ng kotse na kanyang nakasagutan sa kalsada sa bayan ng Sta. Maria.

Kinilala ang biktima na si Noel De Vera Mendoza, 51, dating driver ng jeep at ngayon tagapag-alaga ng baka at kalabaw, residente ng Brgy. Dulong Bayan; habang tinutugis na ng pulisya ang salarin.

Sa panayam sa nakakabatang kapatid ng biktima na si Ruben, nag-umpisa ang sigalot nang aksidenteng maharangan ng multi cab ng kuya niya ang kotseng itim na nagmamadali sa harap ng gasolinahan sa Brgy. San Jose Patag.



Aniya, nangyari ang pamamaril ng hindi pa nakikilalalang salarin sa pagitan ng 4:45 hanggang 5:00 ng hapon nitong nakaraang Lunes sa kahabaan ng Makaiban road.

Base sa salaysay ni Ruben at sa kanilang natanggap na impormasyon, may naunang binaril ang salarin na kainuman ng mga oras na iyon sa Brgy. Bulac.



May impormasyong silang nagmamadali ang salarin nang aksidenteng maharangan ng multi cab ng kuya niya ang kotseng itim hanggang sa magkasagutan ang mga ito.

Nalamang umabante ang biktima na pumarada sa kalapit na simbahan subali’t sinundan ito ng salarin at nagsisigaw, sabay humarurot.



Hanggang sa umandar na ang biktima sa direksyon ng salarin at ilang segundo sa di-kalayuang nabaril na ito.

Mabilis na tumakas ang salarin sa lugar at nalamang nakunan pa ng CCTV sa kalapit na kanto ang mga pagdaan ng mga sasakyan bago nangyari pamamaril.

Agad dinala nang rumespondeng kapatid ang kanyang kuya sa Rogaciano Memorial Hospital para sa paunang lunas subali’t namatay rin ito kalaunan.

Nabatid niyang nakasabay pa nila sa ospital ang naunang binaril na kainuman ng salarin sa pisngi sa Brgy. Bulac na napag-alamang ligtas na kapahamakan.

Patuloy ang imbestigasyon sa naturang insidente habang nananawagan ng hustisya ang mga kaanak ng biktima.