Advertisers
TAPOS na nga ba ang labanan sa presidency at vice presidency para sa May 9, 2022 elections?
Kung ang pagbabatayan kasi ay dami ng mga taong sumasama at nagtutungo sa mga campaign rallies at motorcades/caravans ng Team Unite nina former Senator Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Davao City Mayor Inday Sara Duterrte-Carpio at ang patuloy na pamamayagpag ng dalawa sa mga surveys na kino-komisyon ng iba’t ibang prestigious survey firms, tila masasabing tiyak nang mananaig sa Mayo 9, 2022 elections ang dalawang magka-tandem.
Ito ang assessment ni Pastor Apollo Quiboloy, founder ng Kingdom of Jesus Christ, isang Davao-based religious congregation na kaalyado ng administrasyong Duterte at personal na nag-endorso sa tandem nina BBM-Sara.
Sa pinaka-huling survey ng Pulse Asia na inilabas ng unang linggo ng buwang kasalukuyan, lumalabas na may mahigit 50% sa mga Pilipinong tinanong kung sino ang napupusuan ng mga itong iboto sa pagka-pangulo at pangalawang pangulo , sina Marcos at Duterte ang bumandera at pinili ng mga respondents.
Sa mga political rallies naman at mga motorcades/caravans, walang pasubaling sina BBM at Sara rin ang dinudumog at pinagkakaguluhan.
Actually, ayon sa ating mga insiders, nasa “panic mode” na ga raw ang grupo ng “PINKLAWAN nina VP Leni Rodredo at Senator Kiko “Matsing” Pangilinan dahil may ilang buwan na silang pinakakain ng alikabok sa mga kinokomisyong surveys ng BBM-Sara tandem samantalang malapit na malapit namang nakabuntot sa surveys si Manila Mayor Isko Moreno sa likod ni Leni Robredo.
While pumapangalawa naman kay Inday Sara Duterte sa mga surveys sa vice presidential derby si Tito Sotto.
Naglalaro lamang sa pang-apat at pang limang puwesto si Pangilinan.
Sa parte ng Visayas at Mindanao, lumalabas rin sa mga surveys na bumabandera pa rin si Marcos na sinusundan naman nina Moreno at Pacquiao at nasa poor 4th position lamang si Robredo.
Considering na sa VIS-MIN ay naungusan na nina Moreno at Pacquiao si Robredo, lumalabas na padded at exaggerated ang ipinagyayabang ng Robredo camp na lumalakas na ang kanilang mga kandidato habang papalapit ang Halalan22.
Saan kaya kumukuha ng datos ang kampo nitong si Robredo at Pinklawan?
Sa internet o sa social media nga ba lamang na ang mga karaniwang naka-post ay pawang mga “fake news” hehehe!
Hindi man aminin ng oposisyon at nitong sina Robredo na nagiba sila nang mag-endorso ang El Shaddai ni Brother Mike Velearde kamakailan na pumipili sa tambalang BBM-Sara, plus ang KJC ni Pastor Quiboloy.
Alam n’yo kung bakit, hindi na kayang pang sandalan ni Leni Robredo ang bulto ng boto mula sa simbahang Katoliko kung saan, nabibilang din ang mga miyembro ng El Shaddai kung kaya’t matulin pa sa alas-kuwatro na nagpupuputak itong si retarded este retired Bishop Teodoro Bacani for damage control and demoralization .
Gusto ni Bacani na magkaroon ng “mind-setting sa mga Katoliko na solid silang nakasuporta kay leni Robredo.
But knowing the Catholic votes, alam naman ng lahat na hindi ito solid ng kagaya ng sa Iglesia Ni Cristo.
Bagamat walang pang ipinapahayag na ini-endorso ang maimpluwensiyang INC, “given fact” na iyon na itong sekta ito ay pro-Marcos-Duterte!
Patunay ang pagdaraos ng kick-off rally ng Team Unite nina BBM-Sara Duterte sa Philippine Arena nitong February 9 na dinaluhan at pumuno sa 50% sitting capacity ng largest sports arena sa buong mundo.
May nabalitaan na ba kayong plano nina Robredo na dumalaw sa Central ng INC at mag-courtesy call?
Ofcourse wala, dahil from the very start, alam ng mga PINKLAWAN, na hopeless sila sa INC.
Nananahimik lamang ang INC ngunit buo na ang kanilang desisyon.
By the way, FYI may halos mahigit sa sampung milyong (10 million) members worldwide ang INC.
Nag-iisip lamang tayo kung saan pa mamumulot at mamamalimos ng boto itong sina Robredo at Pangilinan.
Bukod sa mga artista nang ipinasarang ABS CBN at sa mga bulaang kaparian, wala nang naniniwala pa sa tambalang ito.
Kahit na itong si Mar Roxas ng Liberal Party (LP) ay dinidedma nitong si Leni Robredo, Pangilinan at Trillanes dahil alam na alam nila na tablado ang kampo nila sa mga Roxas-Araneta clans.
Kahit itong si Kiko Matsing nga ay di sigurado kung iboboto siya ng asawang si Sharon Cuneta.
Paanong magkakaganun eh kapwa nasa kampo ng BBM-Sara tandem ang loverboys ng mega star na sina Richard Gomez at Robin Padilla hehehe.
Poor Kiko!
Again, personal lamang po natin itong opinion base sa ating obserbasyon sa mga kaganapan!
Have a wonderful day my friends!
Hasta La Vista amigos!
***
PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com