Isko ‘askal’ lang kontra sa mga ‘pedigrees’ na kalaban sa pagka-pangulo
Advertisers
ITINURING ni AKSYON Demokratiko standard bearer at Manila Mayor Isko Moreno ang sarili bilang ‘askal’ o asong kalye sa kawan ng mga ‘pedigrees’ o asong may mamahaling lahi, sa kanyang pagsabak sa pagka-pangulo ng bansa sa Mayo.
“Sila pedigree ako ‘askal’ kasi outsider ako eh… wala ako sa lumaking koponan pero magi-ingat kayo sa askal, me rabies ‘yun malay mo, baka maka-tsamba. May awa ang Diyos,” sabi ni Moreno na idinagdag din na gagamitin niya ang mga natitirang araw ng pangangampanya sa pamamagitan ng pagkatok sa puso ng lahat ng mga botante na ihalal ang kanyang team dahil nais niyang tulungang makatawid ang mga Pinoy hanggang sa matapos na ang pandemya.
Ipinahiwatig din ng alkalde na may mga karagdagang kandidato na sasama pa sa kanilang team. Maliban sa kanya at sa kanyang runningmate na si Doc Willie Ong, kabilang din sa Moreno slate sa tumatakbo bilang senador sina Dr. Carl Balita, Atty. Jopet Sison at Samira Gutoc.
Tinanggihan ni Moreno ang idea na tanggapin ang mga senatoriables bilang guest candidates.
“Tatlo ang Senador kong kandidato pero nakakasiguro naman ako na ako talaga ang dinadala nila,” sabi ni Moreno.
Si dating Agrarian Reform Secretary John Castricciones, presidente ng Mayor Rodrigo Roa Duterte-National Executive Coordinating Committee (MRRD-NECC), isang malaking volunteer group na tumulong na kumumbinsi kay President Duterte na tumakbo bilang pangulo at nanalo ay tumatakbo rin bilang senador sa ilalim ng ruling PDP-Laban party. Dahil walang presidential candidate ang PDP-Laban sinabi ni Moreno na kinausap na niya ang kanyang partymates na ampunin si about Castricciones kaya naman nasa kanila na ito. (ANDI GARCIA)